As i was reading the tabloid yesterday, nabasa ko na magsisimula na pala yung SEA GAMES dito sa pinas. Cant help but feel sorry both for the athletes as well as sa mga organizers. Why? Nobody even cares, para bang this is just a plain celebration that we dont have to get involved with.
Inaamin ko im guilty na hindi ko man lang alam na magsisimula na pala ang sea games. Kung di ko pa nakita yung mga "tarpolin" kahapon sa EDSA, hindi pa ako magkaka-idea. Nagkaroon tuloy ako ng interes na alamin ang tungkol dito.
Maraming beses ko na rin naman napapanood sa TV yung mga atleta, ngayon ko lang napagtanto na nagiimbita pala sila na panoorin ang seagame ang buong akala ko kasi, meron na naman bagong pelikula sina Manny Pacquiao o si Onyok Velasco. Ba mala'y ko? Nakita ko sa tabloid yung litrato nung palabas at dun lang ako natauhan.
Napagalaman ko rin na kung balak mong manood ng mga events ay maghanda ka na malaki-laking pera. Aba'y sa iba't-ibang parte pala ng pilipinas gaganapin ang mga palaro. Bongga! Isa na rin sigurong paraan para mapromote ang pilipinas. WOW! Maganda idea... Naisip ko.
Ang katanungan ko lang bakit kailangan may entrace fee? Balak ko pa naman panoorin yung Badminton. Nung malaman ko ang halaga ng entrance fee, i might as well spend it eating. Mantakin mo P825 something ang ticket na gaganapin sa ULTRA. Nah ... di na ko manonood. Sa TV na lang.
Ang rason nila kong bakit may "FEE" kasi daw pambawi nila sa ginastos nila sa venue at iba pang utility expenses. Nak nang tucha naman! Wala bang kompanyang nagsponsor sa malaking event na ito. Bakit kailangan magbayad ng mga organizer sa mga venue? Bakit kailangan magbayad ng electric sa Meralco? At kung ano pang ka-ekekan .... *sigh*
Mangmang nga siguro ko at hindi ko naiintindihan??? Pero simple langn naman. NASYONALISMO .... tutal isang linggo lang naman yung EVENT!
Friday, November 25, 2005
Wednesday, November 23, 2005
F W E N S H I P
'>
Sarap talagang bumalik sa pagkabata, yun bang wala kang iniisip kundi maglaro lang. Last sunday nagpunta kami nang mga opismate ko sa EK (Enchanted Kingdom) at isa lang masasabi ko. Sobrang saya!
Hindi ko man nasakyan yung ibang mga rides dahil sa takot ako, nagenjoy naman ako kasi kasama ko yung mga makukulit kong kaopisina. Mamimiss ko talaga yung mga happenings namin sobra.
Wala akong kwenta pagdating sa mga gimik sa "theme park" kasi takot ako magsasakay sa mga ride. Masaya na ako sa carousel at bump car. Syempre kasama tropa nakakahiya naman kapag hindi ako sumakay, ayon nayaya akong sumakay dun sa pambatang "Roller Coaster" nak nang tucha!!! takot na takot ako. Pagbaba ko sa ride, nanginginig ang katawan ko at putlang-putla ang balat ko. Pucha! Hindi ko talaga alam kung bakit, takot talaga ako sa mga matataas na lugar. Pinagtatawanan nga ako ng mga kaopisina ko. Tawag tuloy nila sa akin "BOY NGINIG" sige tawa pa!!! Wehehe....
Dahil dun hindi na nila ako niyaya pang sumakay ng ibang ride. Pero tuwang-tuwa ako sa "Rio Grande Ride" ... napakaexciting kasi kompleto kami sa isang raft at lahat kami basang-basa. Hinintay naming magsara ang EK hanggang 10pm.
Ano pa nga bang pinakasamayang paraan para tapusin ang araw na ito kundi manood ng "FIREWORKS"
Tuesday, November 22, 2005
Wicked??
YIPEEE!! tama si ka watson, sobrang lupeeeeeetttttttt ng HARRY POTTER 4. Sulit na sulit ang binayad ko. Sarap ng piling bumalik sa Hogwarts. Matagal ko na ring nabasa yung libro, pero iba talaga kapag nakikita mo na sa big screen yung dating iniimagine mo lang. Nakakatuwa kasi sinamahan ako ng mga kaopisina kong manood.
Kung di niyo pa napapanood ... aba'y ano pang binabasa-basa mo diyan... tara na!!!!
x's
may attached sana akong pic hindi ko ma-center di ko lam gawin ko. Boplaks na naman ako sa HTML... pucha tatawanan na naman ako larry at dada. huhuhuh

Friday, November 18, 2005
When was the last time???
kelan nga ba huling umiyak? hindi ko na matandaan. Siguro ilang taon na rin ang nakalipas, hindi naman dahil sa masayahin ako. Nalulungkot din naman ako pero hindi pa naman humahantong sa puntong pumapatak na yung luha sa mga mata ko.
Hindi ko rin namang magawang umiyak sa tuwing nanonood ako ng TV o kaya ng pelikula, kasi minsan lumilingid na yung luha ko tapos bigla akong kakantsawan ng kasama ko, mahihiya tuloy siya pumatak.
Kanina gusto kong umiyak ... di ko alam kong bakit. Gusto kong ilabas yung mabigat na pakiramdam na nadarama ko kaninang hapon. Nagising ako ng hapon, mga isang oras pa lang ako natulog. Bigla na lang akong nalungkot. Di ko alam kong bakit. Basta nang mga oras na yun gusto kong umiyak. Napaisip ako matagal-tagal na ring hindi ko iyon nagagawa. Ngunit hindi rin pumutak ang mga luha ko.
Sa sobrang kakahintay na ako'y maiyak ... nainip ako. Nilaro-laro ko yung cellphone ko sa pagitan ng mga kamay ko. Di ko namalayan tulog na pala ako....

Thursday, November 10, 2005
Tell Me If U Can Take This
Pag sinabi nila call center agent, isa lang agad ang pumapasok sa isip nang tao .. ay mga walang alam magaling lang mag-ingles ... kala lang nila yun.. heto yung 5 bagay na natutunan kong dapat meron ka kapag gusto mong magtrabaho sa call center.
1. Kung ikaw yung tipong pala-absent, wag mo nang balikan na pumasok pa sa call center. Dahil sa isang call center. Umabsent ka lang nang isa, maigting na ang tingin ng boss mo sa iyo. Tandaan kumikita ang kompanya sa numero ng tawag na natatanggap nila, so kong absent ka mababawasan ang tawag which also mean, walang kita...
2. Kaugnay dun sa una, bawal ang ma-late ... kung kinakailangan 1 hr o 30 mins bago ang yung shift ay nasa opisina ka na. May ibang call center na kailangan mong magbasa everyday ng mga email updates o kaya naman kailangan maaga ka para mabuksan mo na yung mga "tools" na kakailanganin mo sa pagtanggap ng calls. Isang malaking paglabag sa polisiya ng isang call center ang pagiging absenero at pagiging late.
3. Multi-task .... isa sa pinaka-importanteng skill na dapat meron ka kung gusto mong maging succesfull bilang isang call center agent, Madalas habang kausap mo yung customer sa linya ay tinatype mo yung pinaguusap nyo. At kung minsan kung sobran galing mo. tulad ko (ahem!!!) wehehe ... kaya mo pang magblog at magsurf sa frendster mo habang ngta-type at kausap yung customer.
4. Pasensya .. yan ang pinakamalaking dapat na meron ka. Kahit na mura-murahin ka pa nun kausap mo dapat smile at apologize ka pa rin. Bayad ang pagiging plastik pagdating sa mga call center agents. Sanayan lang din, pag di mo na matiis yung kausap mo. I-mute mo na lang yung headset mo at sabay sabi ng isang malutong na mura... wehehehe ... yung lang ang bawi mo. Sabay balik sa kausap at apologize ulit... ganun lang.
5. Dapt marunong karin makisama. Di lang sa kausap mo sa telepono, pati na rin sa mga taong kasama mo sa opisina. Alam nyo naman ang call center masyadong marami kayo, halo-halong personalidad at paguugali. Hirap makahanap nang mapagkakatiwalaan. Ngayon mabait sa iyo, bukas winawalanghiya ka na... ganun lang yun. Pati na rin sa mga boss mo. Minsan nga magugulat ka pa kasi mas matanda ka pa sa boss mo. So dont expect too much of professionalism when it comes to some of your boss. Di ko sila nilalahat, but it is not enough na magaling ka, kailangan marunong kang humawak at makisama sa mga empleyado mo.
Bilang pagtatapos ... kung tatanungin ako. Masaya ako sa trabaho ko, kasi alam ko yung mga nakilala ko rito ay mga tunay na tao. Swerte ko lang talaga. Pero wala akong balak na mabulok at magtagal sa propesyon na ito... YUCK!!! wehehehe

Tuesday, November 08, 2005
Gising Buong Magdamag
last friday night, gumimik kami nang mga bago kong kaopisina sa may timog. we are planning to go to this so called bar named "xymaca" but the place is jammed with people kaya't we tried to look for a different bar. U-mo- o na rin akong sumama sa kanila, tutal libre naman nang isa kong kaopisina na napromote.
Kumain muna kami sa "brother burger" na amoy putok yung loob nung restaurant. Ang isa pang nakakainis, ang tagal nung service. Nung malaman ko kong bakit ang tagal ng order ko yung pala mali yung pangalan na tinatawag nila imbes na airwind .. ruel yung tinatawag nila. kaya naman hindi nila ako mahanap. kung di pa ko lumapit sa counter at nagtanong malamang na hindi ko pa malalaman na ang pagkarinig pala nung kahera sa pangalan ko ay RUEL. So tinama ko siya sabi ko "Airwind name ko." Sagot niya "ano po louie"? ... gusto kong sumigaw nang mga oras na yun, gutom na gutom na ako tapos bingi pa yung kausap ko. Makalipas ang 30 mins, sa wakas naserve na yung order kong isang burger at fries....
natuloy ang gimik sa may bedrock sa timog. ayoko na ngang pumunta doon dahil may masamang karanasan ako sa bar na yun (kung ano man ang nasa isip nyo, hindi yun!!). Wala nga lang akong choice kasi nanduon na kami. Sakto kasi nagshoshoot yung bagong channel ng 7 yung QTV channel 11 (oi promoting). Madaming banda ang nadoon upang tumugtog. Nandoon din si raymond at si bianca king. Hindi ako mahilig sa artista. Totoo yan! kaya nga nung inalok kaming tropa kung pede kaming magpainterview, lahat kami walang imik. ang nasabi na lang ni bianca (this is on a conyotik ... matining ... childish voice) "they dont like me.." sabay talikod.
natapos ang gabi .. ang naubos ang isang bote nang tikila at tigiisang bote ng san miguel strong ice. Tapos magbar, napagplanuhan ng tropa na kumain ng siomai sa jade valley, ngunit pagdating namindun hindi sila nagseserve ng ice tea kaya ayun pumunta na lang kami kay pareng mcdo... eto yung mga picture namin.....
"Eto medyo bangag na kami sa loob ng BEDROCK" Yabadabadoo!!!
"Doon tayo sa MCDO at magpicturan tayo!!!"
"GWAPO AHH - kimpoy ... PUFFY EYES - gcel"
Thursday, November 03, 2005
call me pathetic if you like ....
nangyari na ba sa iyo na bigla na lang sinabihan ka ng kaibigan na "WAG MO KONG KAUSAPIN" .... yun bang hindi mo naman alam kung ano yung ginawa mo, tapos bigla ka na lang sasabihan ng ganun??? tapos pag nakita kang tumahimik. sasabihan ka naman ng "BIRO LANG!!"
nakakainis diba??
hindi mo tuloy malaman kong totoo bang may sama siya nang loob sa iyo o talagang binibiro ka lang.
Ewan ko pero ako iba ang pakiramdam ko kapag sinabihan ako ng ganito. Hindi ko ma-explain kong bakit. Napapaisip na lang tuloy ako kung ano nga ba ang nagawa ko.
Naniniwala kasi ako na ang biro ay kalahating di totoo at kalahating totoo (syempre!!).

Subscribe to:
Posts (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)