Wednesday, October 19, 2005

T.L ako sa iyo

may nakilala ka na bang tao na may pagka "suicidal type?" yun tipong di niya kayang mabuhay dahil sa sobrang depresyon?? ako marami akong kakilala .. pero di ko ka-kosa.

Pano kung isa kang babae na may syota tapos gusto mo nang makipaghiwalay dahil sawa ka. Tapos binantaan ka nang syota mo na magpapakamatay siya kapag iniwan mo siya. Mato-touch ka kaya? o matatakot ka at hahayaan mo na lang siya? iisipin mo kayang nagbibiro lang siya? baka? oo? baka? hindi?

Paano kung may syota ka at mahal na mahal mo? ang saya-saya nang relasyon niyo tapos isang araw, sinabihan ka niya na ayaw na niya sa iyo? magpapakamay ka kaya? o tatakutin mo yung syota mo na magpapakamatay ka? may mapapala ka kaya? itutuloy mo ba kung tuluyan ka ng syota mo na iwan ka?

Isang kabaliwan ang pagpapakamatay, dahil sa pagibig. gasgas man ang linyang "marami pang iba diyan" pero ako naniniwala akong lahat nang tao may katuwang.....

Tuesday, October 18, 2005

for you i will ... *sigh*

masaya't .. malungkot ako sa mga nanyayari sa mga katropa ko. Hindi ko alam pero sobrang miss ko na sila....

Unahin ko kay ...

PAULINE - kaklase ko siya mula 1st year college hanggang 1st sem ng third yr. Lumipat man siya ng panggabi nun 2nd sem hanggang 4th year. Hindi pa rin namin nalilimot na magkita. Ayoko na lang isipin na dahil kay jay-r kaya lang siya napapadalaw sa amin noon. Naaalala ko yung mga araw na wala kaming pera at gutom kami. Naglalakad kami sa sm north, bente lang pera namin kaya't bibili na lang kami nung benre meals na wendy's o kaya yung spag ng A&W. *sigh*

MEANN - isa sa mga taong malaki ang utang na loob ko. Matagal na kaming hindi nagkikita, sa pagkakaalam ko ang huli e nun valentine day pa. *sigh*

DADA - pucha!!! yung mga kulitan. yung mga jamming namin tuwing sasapit ang ala sais ng gabi sa tridel. Ang walang humpay na pagbloblog .. ang walang tigil na panonood ng game ka na ba? tuwing tanghalian. Nagpakilala sa akin nang "sassy girl" na hanggang ngayon e hindi ko pa rin makalimutan. *sigh*

LARRY - ewan ko ba? pucha iba talaga ang dating ng taong ito. Ito ang nagmulat nang mga mata sa katotohanan ng buhay... huwwawawawa .. ayoko nang magsalita pa baka may masabi lang ako.... potah!!!

BUTSOK - yan ang binansag ko sa kanya at hanggang ngayon nakilala na siya sa tawag na yan. sus ... noon nahihiya pa siyang gamitin yung palayaw na yan. pero ngayon pinaglaladakan niya pa sa blog niya. *sigh*

JM - napakabait kong naging kaibigan sa tridel. mga kulitan. yung mga araw na naglalaro lang kami sa pc niya kahit may pc naman ako. natatandaan ko pa yung keyboard niya na madalas mahulog sa kinalalagyan. nakakatuwa, yung mga ismid niya. yung mga pagtimpla niya ng kape ko. yung mga banat niya na tagilid o pagkwento sa buhay ng boyfriend niya ... *sigh*

marami pa sila ngunit ito lang sa ngayon ang talagang naaalala ko at di ko makakalimutan..... *sigh*

Monday, October 17, 2005

yuhoooo!!!

hey! kamusta na nga ba ako? kamusta na ang patatas na kunwari e bise-bisehan sa trabaho? hayaan nyong update ko naman ang blog ko.

Minsan nakakalungkot kasi hindi na ako makapagupdate o makapagbasa man lang ng mga blog nang mga kapwa blogirista ko. *sigh* ... minsan nga parang gusto ko na lang ihinto ito. pero sayang naman. nakakatuwa pa naman kapag binanalikan ko yung mga dati kung mga entry. natutuwa ako na nanyari pala sa buhay ko yung mga bagay na yun. marami akong gusto isulat. kung pede nga lang na idikta na lang sa kompyuter yung nasa isip ko at bahala na siya magtipa nito. kaya lang hindi ganon e. *sigh*

Ano nga ba ang nanyari sa akin??

Noong nakaraan na buwan ng septembre pumalo ako na pangatlo sa opisina namin bilang isang mahusay na tech ... opo pangatlo??? ultimo nga ako hindi makapaniwala. kung nung augusto e, pangisang daan ako sa mga manggagawa dito, e noong isang buwan lamang e umakyat ako sa pangatlo. ilang beses ko na bang nasabing pangatalo ako?? wehehe....

halong presyur at takot ang nararamdaman ko. kasi mas naniniwala ako ng mas maganda yung nagsisimula ka sa baba pataas. keysa yung nagsimula ka sa taas tapos gugulong kang diretso pababa. dagdag pa roon anf expektasyon ng mga kasamahan mo na kailangan higitan mo ang dati mo nagawa.

*sigh* pagod ... puyat .... miss ko na ang pagblogblog :((

x's,
di ako makapagblog sa bahay kasi nireformat ko yung pc ko. nagpapabibo na ako nang todo. kinakalikot ko na yung kompyuter ko sa bahay......

Friday, October 07, 2005

mahirap maging artista

im sick, paano ba naman for the last two weeks hindi ako nakakakumpleto ng tulog ko. Simula nung nangshopping kami ng tropa sa bambang. Hanggang ngayon. Eto ang detalye.....
SEP 18 - umuwi ako nang 9am nang umaga galing sa shift, imbes na matulog. inintay kong dumating sina jomar at car para dun sa fud trip namin at pamimili sa bambang. Refer na lang on my last entry....

SET 25 - outing the team namin sa laguna. Umalis kami nang opis after shift. Diretso sa laguna. Balak ko sanang matulog sa biyahe, pero hyper mode ako during the whole trip. Kaya ayon hindi ako natulog. Pagdating namin sa laguna, imbes matulog na swimming agad ako. Binalak kong matulog pagkaahon, kaya lang di na pede kasi basa na yung damit ko, e nagaalala ako baka kulangin yung dala kong damit. Natulog ako ng 2am na. nung time na hindi ko na talaga, yung bang pakiramdam ko na gang rape ako sa loob ng bilangguan.

OCT 3 - imbes na mamahinga ako sa bahay, e naglaro ako na badmniton. Nagkayayaan kasi kami ni ate sonia. E matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapaglaro so nahikayat ako. 2 hours din yun. Ang malupit pa dun, may kakampi si ate son pero ako magisa lang. (syempre nanalo pa rin ako) wehehe!!!! tapos nun sumama pa ako kay ate sonia, imbes na umuwi. Kumain kami sa labas at dumaan sa sm para tumingin ng cellphone. Napabili tuloy ako ng electric fan. Mga 8pm na rin ako nakarating sa bahay.

Kinabukasan .... iba na ang pakiramdam ko. Nanghihina na ako. Sumasakit ang katawan ko. Inisip ko, baka naman sa pagbabadminton lang kaya sumakit. Ganun naman talaga kapag hindi sana'y sa ihersisyo yung katawan mo.

Sumunod na araw - masama pa rin ang pakiramdam ko. nadagdagan pa ng sipon. At iba na yung sakit ng katawan ko. may halo ng panginginig at pamamanhid. Medyo kinabahan nga ako. Pero inisip ko na lang na mawawala rin ito.

Kahapon - wala na akong balak pumasok, dahil sa hindi na rin masyadong magandang ang tono ng boses ko. (e yung pa naman ang puhunan ko) wehehe. Lumala na yung sipon ko, yun bang bawat yoko ko, tumutulo yung sipon na parang gripo sa ilong ko. puro tubig ... as in tubig talaga. Uminom na ko nang gamot "NEOZEP"

Ngayon .... eto hindi na masyadong masakit ang katawan. pero ang sakit na nang ilong ko sa kakasinghot ... naisip ko meron kayang machine na pede higupin lahat ng sipon sa ilong ko????

Mga susunods ko pang lakad sa weekend na ito...

OCT 8 - may laro ulit kami na badminton at sa gabi gigimik kami ng mga dati ko kaopisina sa PLDT.

OCT 9 - lalabas kami nina ate son kasi bday niya... ililibri ko sila sa chef de angelo sa galleria....

OCT 10 (12am)- pers day of shift ulet....

TULONG PANO PA AKO MAGPAPAHINGA!!!

Tuesday, October 04, 2005

Meet my new team

"TEAM FABRIQUIER"
Left to Right: Coach Aris, Coach Dottie, Liza, Gisselle, Me, Jenny, & Rodel
Wala si Teejay kasi siya camera man. (Churi!!!2x)

Delayed na itong entry ko kasi nanyari ito nung last sunday Sept 25. Sa kadahilanang ala naman masyadong fancy nanyari sa akin, bukod sa pumasok sa opisina at matulog. E ipopost ko na lang ang mga pictures at ipakilala ko sa inyo kung sino-sino ang mga new found fwends ko sa DELL. Baka may kakilala pa kayo......

Nagswimming kami sa laguna at hanggang ngayon di ko pa rin matandaan yung pangalan nung lugar. Ang landmark ko lang e, ito yung village sa tapat ng Monte Vista resort. Nagsisismula yung pangalan nung village sa letrang "M" so pedeng Mariposa, Maligaya ... at kung ano-ano pa. Sa loob ng village na yun ay maraming private house na nagpaparent ng private pool. Naka-jackpot nga kami kasi yung narentahan namin bahay e mura. Sa halagang Php 3,300 nakapagovernight kami dun sa bahay na may 3 kwarto, libreng videoke at libreng gamit ng kusina (kasama na yung gasul at ref). Ang sabi nga sa amin nung caretaker, kapag summer daw doon e pinaparent nila yung lugar ng 5K to 7K. So laking discount talaga.

Namalengke na kami sa calamba market bago pa man kami pumunta dun sa resort. Para tipid. Bukod pa yun sa mga baon naming pagkain... heto ang ibidensya ng pagka animal namin sa pagkain... wehehehe

Ito yung agahan namin kinabukasan. Sorry hindi namin nakunan yung pananghalian namin nung unang araw kasi ganun kami kagutom. Hindi na namin naisipan pang picturan ... wehehhe
Mga pagkain:
Inihaw na tilapia, Inihaw na Hotdog, Itlog na maalat na may kamatis , adobong manok at baboy at syempre bilang panulak Tequila.. wehehe




CAUTION:
Epekto nang walang tulog at mag-oovernight swimming. Huwag tularan!!! Samahan nyo pa yan nang busog na tiyan at umaagos na malinis na tubig ng laguna. Halina't magbabad tayo???





Ang mga susunod na larawan ay sadyang nakakabahala
"PATNUBAY NG MAGULANG AY KAILANGAN"





Blogroll

Labels

Counter