Monday, May 14, 2007

Summer '07

Nag-uulan na dito sa Maynila. Pero bago pa maubos ang araw ng tag-araw. Sinulit ko na ang pagpunta sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.

"PANGASINAN"





"CLUB MANILA EAST (Taytay, Rizal)"




"MATABUNGKAY, BATANGAS"



"VALLE VERDE"


x's
I want to post my MP3's sa blog ko. Pero im still having a prob kung paano. Tinuruan na ako ni K pero till now di ko pa rin ma gets. Ayaw mag random play. Kailangan mag-aral ulit ng HTML. Subok ako ulit. Help here! Kailangan ko ng website na maghohost ng pictures ko na may magandang slideshow. Kasi full na yung free account ko sa flcker kaya di ko na ma post yung iba sa badge ko. Any help will be appreciated. :)

Thursday, April 26, 2007

Nagpapasalamat

Malungkot ang mga huling post ko. Ilang buwan na rin ang nakalilipas. Sa tuwing dumadalaw ako kay Nanay. Ngiti at hindi nakabusingot na mukha ang ipinapakita ko sa kanya.

Masaya na si Nanay. Sabi nga ng pinsan ko napakaswerte niya kasi tayo kailangan pa natin magdasal nang mataimtim maramdaman lang natin ang diyos. Samantalang si Nanay kasama na niya ang Ama. Magsisilbing anghel at tagabantay na naming magkakapatid si Nanay. Kaya mas nakakatakot gumawa ng katarantaduhan ngayon. Baka lagi siyang nakatingin.

Sa lahat ng bumisita sa blog ko. Maraming salamat sa pagdamay. Di niyo lang alam, pero ang sarap ng pakiramdam sa tuwing binabasa ko yung mga komento ninyo. Sa iyo na hindi nagpakilala. Tama ka! Kaya natin ito.

Babalik na ulit ako sa pagsusulat.....

Saturday, March 31, 2007

Yun na nga PT.3

"Mom?" I whispered.

I hadn't said it in so long. When death takes your mother, it steals that word forever.

"Mom?"

It just sound really a hum interrupted by open lips. But there are zillion words on this planet, and not one of them comes out of your mouth the way that one does.

"Mom?"

- lines from the book "For one more day" written by Mitch Albom

Bagong libro na binabasa ko. Maraming nag comment na ngangamusta kay nanay. Masayang-masaya ang nanay.

Tumagal pa kami ng mahigit isang linggo sa ospital.

Nagdesisyon na rin sila Ate na umuwi ng pinas, simula ng tumawag sila't nakausap nila si Nanay sa telepono at nagpapaalam na. Himala nga e, kasi hindi na nakapagsasalita si Nanay. Pero sa pagkakataong iyon napakalinaw ng pagsabi niya ng "PAALAM' kay ate.

Oct 8, birthday ni Ate ..... nagdesisyon ang mga kapatid ko na umuwi dahil sa tawag na iyon.

Di ko lam kong ano magiging reaksyon ko pagdating ng dalawa kong kapatid.

Pero believe din naman ako kay Nanay, bed-ridden man siya di pa rin niya nakakalimutan ngumiti sa tuwing may mga dumadalaw sa kanya. Si Nanay talaga ...... minsan pa nga nagkatawanan kami kasi hindi ako nakilala ni Nanay nang pumasok ako sa banyo. Tinanong niya si Ate Grace kung sino daw ako. Nang sabihin ni Ate Grace na ako yung anak niya, medyo kumunot ang noo ni Nanay. Tawanan kami ....

Dumating ang Oktubre 10, mga ilang araw nang ayaw matulog ni Nanay. Nang minsang tanungin ko siya kung bakit. Ang sabi niya sa aking ay natatakot siya baka di na siya magising. Binantayan ko siya nun buong gabi.

Isang araw pinipilit siya ni ate na matulog, ang sagot ni Nanay "Natulog na ako, sa may hagdan." Di na ulit kinulit ni ate si Nanay.

Madaling araw ng Oktubre 16. Ako pa rin ang bantay ng Nanay. Di ko makatulog. Ala-6 ng umaga. Nag nebulizer ako kay Nanay. Iba na ang buntong hininga niya nun. Nagising ang mga tiyuhin ko at kapatid. Napansin din iyon ng tiyuhin ko. Inutusan kami ni Ate na bumili ng agahan. Iba na raw kasi ang hinga ng Nanay.

Pagbalik namin ni Ate sa kwarto, dala ang mga pinamili namin mula sa Jollibee. Di pa rin tulog ang Nanay.

Sinabihan ako nila Ate na matulog na. Mag-aalas siete na kasi ng umaga yun. Di ko makatulog. Iba na ang pakiramdam ko.

Nang bigla na lang ako ng nagulat nang ginigising na ako ni Ate. Pag tingin ko sa orasan ng ospital ala-dose na pala ng tanghali. Ang bungad ni Ate "Wind, tingnan mo si Nanay." Nakita ko yung isa kong kapatid, hawak ang isang bunto ng tissue paper, pinupunasan yung bigbig ni Nanay. "Nakadalawang rolyo na kami ng tissue paper" sabi ni Ate. Pagtigin ko kay Nanay. Malalim na ang kanyang mga mata.

Nagkagulo na kaming lahat .........

Wednesday, February 28, 2007

Yun na nga (2)

Homesick, nakaka isang linggo palang ako sa Pinas, homesick na ako agad. Nakakatawa ngang isipin, mas na homesick pa ako sa sarili kong bansa.

Nagkita kami ni Nanay, nakahiga na lang siya. May nag-aalaga na sa kanya, kasi hindi na siya nakakatayo pa ng matagal. Sa tabi niya may isang bote na kumokonekta sa oxygen na nasa baba ng bahay. Masakit tingnan ang sitwasyon ni Nanay. Pero kailangan sumalubong ako ng ngiti. Kailangan magbalik ang dating "Airwind" na anak na kakilala niya. Masiyahin, makulit at laging binibiro siya. Ngunit sa likod nun, hinang-hina ako sa nakikita ko. Di ko lam kung hanggang kelan ko kayang pakiharapan ang sitwasyon na nasa harapan ko. Para hindi na siya ang Nanay kong iniwan noon. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Sana'y di ko na lang siya iniwan. Siguro hindi hahantong sa ganito.

Sabi ng mga tiyahin ko, depresyon daw ang tumira sa Nanay ko. Sobrang pagkalungkot dahil nga naman tatlo na nga lang kaming anak niya. Wala pa sa tabi niya.

Pero ang nakakatuwa kay Nanay, hindi mo nakitang sinisisi ka niya. Sa tuwing darating ako ng bahay galing sa labas. Sinusubukan pa rin niyang maging ina sa akin. Kinakamusta .... tinatanong kung kumain na ako.

Ilang araw din akong sumubok na isantabi ang kalagayan niya at isiping normal na tulad ng dati ang buhay namin.

Aug 17, Bday ni nanay ..... 61 yrs old na siya. Nakakatuwa nga kasi, yung mga kaibigan ko pumunta. Gusto kasi ni Nanay na lagi siyang may kasama. Natatakot daw siyang mag-isa.

Di ako tumatabing matulog kay Nanay, di ko alam pero natatakot ako. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Ginising ako ng kasama namin isang araw, sabi niya hirap daw makahinga si Nanay. Kinabahan na ako, pinakiusapan ko yung Tito ko na dalhin si Nanay sa ospital. Takot na takot ako nun, tinawagan ko si Pau, wala na akong masabi sa kanya kundi ang magsumbong. Pinipigilan ko ang maiyak. Natatakot ako sa ideyang pedeng mangyari na naglalaro sa isip ko.

Ang hirap pala sa ospital. Mahigit ilang oras din bago kami makakuha ng kwarto. Na-admit si Nanay, kailangan niya raw i-supervise para ma check kong ano sanhi ng hirap niyang paghinga.

Unang gabi sa ospital, kasama ko si Ate Grace, yung nagbabantay kay Nanay. Di ko makatulog. Ipilit ko man di ko maiwasan pag masdan si Nanay. Nanghihina ako. Di maiwasang sisihin ko ang sarili ko na isa ako sa dahilan ng panghihina niya.

12am --- ng seizure si Nanay. Di ko lam ang gagawin ko. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko at ni Ate Grace. Nakatulala lang siya. Nataranta na kaming dalawa. Tumawag ako ng nurse.

5am --- di pa rin ako natutulog, sabi nung nurse mild seizure lang daw yun. Kinausap ako nung doktor. Na kaya daw nanyari iyon e dahil sa may nakabara na raw sa baga ni Nanay. Ihanda ko raw ang sarili ko.

Ilang araw din kami nalagi sa ospital, isa ... dalawang linggo. Pakiramdam ko nga residente na ako dun. Kilala ko na ang mga nurse, ang shift nila ang kung ano dapat gawin check up kay Nanay kada oras.

Dumating ang Oktubre, pinagdedesisyon na kami ng doktor na kung gusto namin pumirma ng DNR form. Sabi ko hindi ako makakapagdesisyon mag-isa.

Wednesday, February 21, 2007

Yun na nga

Bakit nga ba natagalan akong di na blog? Sino nga ba ang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ko. Kala ko pa naman na ang blog na ito ay nagsisilbing diaryo ko.

Madaming nanyari, laki nang naitulong nang nakaraang taon sa akin. Di lamang binigyan ako ng opurtuninidad na makapunta ng ibang bansa. Bukod pa dun tinuruan niya akong malaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay.

Simula ng taon ay pinaghalo-halong saya, lungkot, takot, pangamba, pagkabalisa at pagkasabik na matuto sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay.

Kalagitnaan ng taon, napuno ng takot at pangamba ang buhay ko. Naospital ang pinakaimportante tao sa buhay ko. Si Nanay .... tandang-tanda ko pa yung araw na iyon. Nasa trabaho ako ng tumawag ang ate kung humahagulgol sa telepono. Sabi niya nasa ospital nga daw si Nanay. Yung lang ang narinig ko. Di na ko nakapagtrabaho nun. Iyak na ako ng iyak, napansin na rin ng boss ko kaya't pinayagan na nila akong umuwi.

Umuwi sila ate sa pilipinas, pag minalas ka nga naman, hindi ako pinayagan umuwi ng amo ko. Kung di raw ako magiiwan ng 5000 dirhamos di nila ako papayagang umuwi. Napamura ako!!!
Wala akong nagawa kundi ang tumawag na lamang sa kapatid ko upang humingi ng update sa ospital.

Makalipas ang ilang linggo, ok na raw si nanay. Lalabas na raw ng ospital, pero hindi na raw pedeng tanggalin ang oxygen sa kanya kasi hirap na talaga siya sa paghinga. Tinatanong ako nila kung gusto ko pa raw umuwi. Sabi ko, hindi ko alam. Natatakot akong makita si Nanay.

Nagkagulo sa opisina .... nadyaryo pa nga ... eto ...

Dahil dun pinayagan kaming mga pilipino na umuwi. Isa ako sa mga taong nagdesisyon na umuwi na lang ng pilipinas. Hunyo bumalik na sina ate sa dubai. Baon ang mga litrato ni Nanay na hirap ko talagang tingnan.

Hulyo yun nagdesisyon akong magresign na lang sa trabaho .... binigyan ako ng isang buwan para makapagisip kung gusto ko magstay sa Dubai o umuwi sa akin Nanay.
Sinubukan ko pa rin magaaply ng bagong trabaho doon. Pero lumapit ang araw ng Augusto, natuloy ang paguwi ko.

Monday, February 05, 2007

Kamusta Ka Naman?

Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!

Pero di ko magawa !!!!!!

Huwahhhhhhh

Tuesday, December 12, 2006

Cha - Cha (sia-sia) papasok na ko

"Cha-Cha at Gloria"
"Ibasura"
- aktibista sa Batasang Pambansa

Yan ang sigaw na tumambad sa akin pagbaba ko ng tricycle kanina. Sabi sa akin nung tricycle driver na kung nagmamadali daw ako ay mas mabuting maglakad na lang daw ako papuntang commonwealth avenue. Kailangan makarating ako sa opisina bago 7:30pm. Ayokong ma-late. Kaya naman sinunod ko na rin ang payo nung mama. Mahigit 2KM rin ang nilakad ko.

Bilang libangan pinakinggan ko ang mga sinisigaw nang mga raliyista. Aba! Mga kabataan pala ang nangunguna sa listahan. Boses ng isang kabataan babae ang nagsasalita sa entablado. Gusto daw nilang patalsikin si Gloria at tutol sila sa pagpapalit ng konstitusyon.

Ayon sa maiksi kong oras na pakikinig. Ang sabi nung babae na parang mabago man daw ang konstitusyon ay hindi rin naman pakikinggan ang boses ng kabataan. Kaya't mas mabuti pa raw na sa kalye na lang nila idaing ang sama ng loob nila. Ang nararadapat daw e, baguhin ang sistema sa loob ng gobyerno o dili kaya ay patalsikin ang mga di nararapat.

Aba'y ang tapang naman ata ng "ATE' ko.

Nagkalat ang media ... nakita ko ang ABS-CBN, ABC 5, pati na rin ang GMA7 na nagseset-up ng ilaw sa isang tabi. Habang ang ibang pulis ay kumakain habang nanood ng "Jewel in the palace" (isang koreanovela) sa isang tindahan.

Ang daming tao, pero kung susumahin mas maraming pa atang isyoso keysa sa mga tunay na nakikisalo sa pestibidad. Isa na ako dun sa isyoso.

Gusto ko pa sanang mag-stay kaya lang may pasok pa ako. Tinuloy ko ang pag-lakad papuntang commonwealth avenue ... tumawid ng overpass at sumakay ng FX ....

Monday, December 11, 2006

Sa Wakas


Napa-aga ang pasko para sa mga pinoy .... binawasan ng 50 sentimos ang pamasahe. Mababa man kung maituturing, pede na rin kesa sa wala. Lalo na sa tulad ko na laging nagkokomyut.




Kanina nga lang napansin ko may mga ibang driver na dedma lang kapag yung pasahero ay nagbabayad pa rin ng 7.50, ni hindi man lang nila ibinabalik yung 50 sentimos at sabihing bumaba na ang pamasahe. tsk tsk tsk pinoy nga naman hanggat makakalusot, lulusot.


Hiniintay ko ang pagbaba nang bills ma pa kuryete, ilaw, telepono at pati na rin cable.


Pagdadarasal ko yan ...


Friday, November 24, 2006

Pricked me i might be Dreaming




"I'm a loner. I gets hard for me to face the world sometimes. Its hard to be alone, but its harder to be surrounded by people and still be utterly alone; so I choose to stay alone for the most part."- Wolfknight







I used to have loads of friends, i even had one post here stating na hindi ako nahihirapang makahanap ng kaibigan. But timed change .... i have changed.

I may call it maturity, or just a phased of my so called life. Pero ewan ko, just like now i am still on training and having some of my close friends before as my co-trainee right now makes me think that i dont really need to befriend with others pa.

I dont know pero i find it very plastik kung pipilitin kong makilala pa sila pero sa loob-loob ko hindi ko naman talaga gusto.

I am becoming an unsocial person (kung meron man nun) or i am just being picky in terms of having friends now.

Wednesday, November 22, 2006

Yoko nga!

Di ko alam pero hindi ako maihi sa urinal ng lalaki, sa tuwing umiihi ako sa loob pa ng cubicle. Arte ko noh .... ewan ko ba may pag-ka OC ako. Kahit anong sakit na ng pantog ko, hindi mo talaga ako mapapaihi sa urinal. Yung bang ayaw lumabas nung ihi ko kahit na anong pilit.
Nagkasubukan nga nung nagpa-drug test ako para sa trabaho. Binigyan ako ng isang botelya na kailangan ko raw punuin ng ihi. E di pa naman ako naiihi nung mga oras na iyon. Sabi sa akin nung mama uminom daw ako ng limang baso ng tubig. Na ginawa ko naman. Pero wa epek pa rin. Sabi niya subukan ko naman daw na basain yung kamay ko hanggang braso. Syempre wala paring epekto sa akin. Umabot siguro ng 3 oras, walang humpay na palalakad-lakad, inom ng tubig at sabay basa na rin ng braso ko tsaka ako naihi.
Pucha! Dumating na ang kinakatakutan ko, pinapaihi ako sa urinal at kailangan daw kasi doon para nasusupervise ako nung mama.
Nakailang balik kami sa banyo di pa rin ako maihi, kahit na isang patak wala talaga. Ginamitan na nga ako nung taktika ng matatanda, yun bang sasabihan ka ng "wis wis wis wis" habang nakalabas yung putotoy ko. Pero lalo atang nahiya ... hindi lang putotoy ko yung nahiya pati na rin ako. Badtrip talaga. Pinilit ko yung mama na payagan na lang akong umihi sa loob ng cubicle. Sabi niya hindi raw pede, dahil kailangan naka-supervise siya habang umiihi ako. Tinanong ko yung mama, kung ako lang ba ang kaunaunahang pasyente nila na hirap umihi. Sabi niya hindi raw (medyo gumaan ang pakiramdam ko) pero yun daw yung mga taong madalas na bumabagsak o yun yung mga nag-drodroga. Nak ng pucha naman ako drugs!! HALER!!! Umabot pa ang isang oras na nakatambay sa loob ng banyo dahil hindi pa rin nga ako maihi. Sa inis siguro nung mama sabi gagawin na lang daw niya yung procedure na ginagawa nila sa babae yun bang lagyan nang blue ink you toilet bowl, para makaihi ako sa loob ng cubicle. Gusto ko sanang sabihin na "yun naman pala e" pero di ko na lang ginawa baka lalo lang akong mapagkamalang adik. Pagkatapos lagyan nung mama ng blue ink yung bowl, diretso pasok ako sa loob kasi masakit na rin yung pantog ko. Wala pang isang segundo umapaw na yung botelyang binigay niya sa akin.

Hay ...... yun na siguro ang pinaka mahirap na nangyari sa akin ....... Huwahh!!!!

Wednesday, November 15, 2006

Unlimited Text


For the past few weeks, im constantly receving this text messages from my friends. I just want to share it ..... Hehe. Some of them might be offensive .... obscene .... but for me its one hell of a laughing trip.

Elib din naman ako sa nakaisip nito. Naalala ko tuloy yung elementary student ako, nung binigyan ako ng assignment nung teacher ko tungkol sa mga bugtong. Parang ganito rin yung nauusong text message ngayon.





- ... oo na, maganda na ang kutis mo! Ikaw kaya dito sa pwesto ko. Tingnan ko lang kung hindi ka magkutis matanda! Hmp!

~ bayag


- Subukan mo kaya na kalimutan na ako at wag ng puntahan. Di naman sa pagyayabang. Lalapit ka pa rin sa akin.

~ inodoro

- Sana naisip mo lahat ng sakripisyo ko! Hindi ako panakip butas!

~ panty

- Hindi lahat ng malakas, 'Superhero'

~ putok

- Hindi lahat ng walang shorts ay bastos

~ Winnie the Pooh

- Hindi lahat ng labi masarap halikan

~ Diego

- Hindi lahat ng dugo pwedeng i-donate

~ regla

- Hindi lahat ng macho may bigote

~ Vina Morales

- Sana brief na lang ako!

~ Rustom Padilla

- Kung ginalingan mo ang pagsupsop habang matigas pa ako, hindi ka malalagkitan o magkakatulo! Mabagal kang kumilos! Mabagal ka! Mabagaaaal!!!!

~ ice candy

- Pano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sayo?!

~ LEGO

- Hindi lahat ng maasim ay Vitamin C...

~ Kili-kili

- Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo .... Babalik at babalik ako.

~ Libag

- Ginagawa ko naman lahat para sumaya ka ... Mahirap ba talagang makuntento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?

~ TV

- Tigilan mo na nga ang pangangalabit mo! Bibilugin mo na naman ako!

~ Kulangot

- Bakit mo ba pilit akong mawala sa iyong landas? Oo, pasaway ako kung minsan at tanggap ko. Pero pagkatapos mo akong iluwal ay ganon na lang?

~ tae sa bowl

- Hala! Sige! Magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol niyo!

~ Hipon

Hehe!!!!

Tuesday, October 31, 2006

Deep Sleep

Ive been out for several months na. Kung baga sa boxing na-knockout ako. TKO! *toinks* Miss na miss ko na ang mga blog. Yung nga lang wala akong sariling PC para makagawa. Ang bahay na tinitirhan ko, nasa ibaba ng bundok kaya hirap ako makapag-post. Ultimo mo nga signal ng cellphone ay wala. Marami akong istorya na gusto ikuwento ... daming pangyayari. May malungkot ... may masaya .... at maraming kahabag-habag. Malamang matigil muna ako sa pagsusulat nang mahabang panahon. Maaring pasulpot-sulpot ... o di kaya buwan ulit ang lilipas ... o baka naman taon. Pero sisiguraduhin ko pagbalik ko .... full blast na sulutan at tsikahan na naman ang mangyayari.

Hanggang sa susunod .......

Saturday, August 05, 2006

Weeky -- wekky Wild wild

Yung last post medyo seryoso, so anyways ... malapit na akong umuwi. At ang nakakagulat doon ay halos lahat ng tinatawagan kong frend sa pinas ay ayaw maniwala. Lahat sila ang sagot "Owws." Akala nila najo-joke na naman ako "wala naman kasing sumeseryoso sa akin e" Ngek! wehehe.

Kaya naman yung huling linggo ko ay sinulit ko talaga. Nung Miyerkules ay bumalik ako sa butihing kong kompanya para iklaro ang pagalis ko sa Martes ay nagbalak kami ng iba kong mga kasama na gumimik. Isa lang naman ang problema ng lolo niyo dito sa Dubai, kundi ang pera. Sakto naman kasi niyaya ako ni Dottie na samahan siyang gumimik. Dahil nayaya siya ng college fren niyang guy na lumabas. Syempre, opurtuniti na ito kaya naman sinunggaban ko na. Kasa si Mayang at Anj, at yung college fren ni Dottie na si David nagpunta kami sa "ever famous" na gimikan ng mga pinoy dito sa Dubai kundi ang nagiisang "CHIKKA GRILL" siguro walang pinoy ang hindi nakakaalam ng lugar na ito. Bukod na lamang sa mga bagong dating.


Photobucket - Video and Image Hosting

"Heineken ... Beybi"


Photobucket - Video and Image Hosting

"My Despidida ... Bestest Guest"

Photobucket - Video and Image Hosting

"My Girlfriends"

Kinabukasan, Huwebes niyaya naman ako ng iba kong kaibigan na mag-chikka grill ulit. Tutal libre ulit ito, syempre sumama ako.

Photobucket - Video and Image Hosting

"Me, Mayang (green) & Dottie"


Photobucket - Video and Image Hosting

"David, Me, Anj & Mayang"



Biyernes, as promise by ate and russel nilibre nila ako sa "Wild Wadi" isang water theme park dito sa dubai. O boi, ang saya .... elib ako sa gumawa ng lugar na ito.


"ASTEEEGGG"

Pwede na akong umuwi!!!!! :)



Tuesday, August 01, 2006

This is it

Im sitting on the street, trying to write something for you my blog.

Its been six months, di ko man lang akalain na ganoon lang pala katagal and ii-stay ko dito sa Dubai. At exactly, 4:30PM (PHP time) balik na ulit ako sa pinas.

Sa anim na buwan na iyon, marami akong natutunan di lamang sa sarili ko kundi kong paano ang mabuhay.

(PAUSE) "Dumaan yung manliligaw na Syrian nung kapitbahay namin" Akalain mo dito sa Dubai maraming pinay ang nagboboyfriend ng ibang lahi, sa isang universal na kadahilanan kundi "suporta." Hindi naman sa nilalahat ko ang mga pinay dito, dahil dalawang ate ko rin naman ay nandito. Pero dito pa lang sa Villang tinitirhan ko ay ganoon na ang siste. Yung kapitbahay ko nga mahigit ilang taon na ditong visit visa at umaasa lang siya sa mga BF niya (ginamit ko ang salitang "mga" kasi 3 ang lalaki niya dito "briton, lokal at syrian") . Tawag nga nila dito SK o sagot sa kahirapan. BF niya yung nagbabayad ng upa sa bahay, yung pagkain niya, yung mga pambili niya ng damit at kung ano-ano pa. Nakakahiya man itong sabihin pero siguro kapit sa patalim na lang sila dito sa Dubai.

Nalaman ko rin na dito sa Dubai bawal ang uminom. (SHET!). hehehe Ke magbenta 0 makita ka lang na may dala ay hala diretso ka sa kulungan. Yun namin kasi ay sa kadahilanang, bawal sa muslim ang alak. Pero iba talaga ang abilidad ng pinoy, ngayon nga lang habang nasa labas ako naririnig ko agad yung mga kapitbahay namin na nagiinuman. Pinsan ko na nga lang may kontak na pinoy na nagbebenta ng alak, yun nga lang patago. Tipong home delivery lang, nakabalot sa diyaryo yung i-norder mong alak.

Isa pa, mahirap maghanap ng trabaho dito, lalo na't Summer (Nagsisimula ng May-Aug). Bukod sa umaabot sa 45 degrees ang init e nagbabaskasyon ang mga may-ari ng kompanya, kaya't ang siste iiwan mo lang ang Resume mo at pagbalik nila sa September ka pa iinterbyuhin.

Di lang iyon, napakamahal ng upa dito sa Dubai. Yung ngang kwartong "take note kwarto" tinitirhan namin ang upa e DHS 2400 (o mahigit 30K sa pesos) di pa kasama diyan ang bayad sa ilaw at tubig. Anim kami na umuupa sa 4 na dipang laking kwarto. Dalawang double bed at dalawa kaming lalaki sa lapag. Maayos na nga maituturing yung kwarto namin kumpara sa mga inuupahan ng ibang kababayan natin. Kasi yung amin may sariling banyo at kusina. Yung iba 12 silang nagshe-share ng banyo. Mantakin mo yun. Kwento nga ng isa kong kasamahan sa trabaho, kapag ihing-ihi na siya pinipigilan niya na lang kasi may tao sa banyo.

Wala masyadong kaming problema sa pagkain kasi si Ate Elsie naman ay nagtratrabaho sa supermarket. Paminsan-minsan naguuwi siya ng buto-buto yung pang bulalo o kaya naman ay ulo ng pink salmon. Yung naman kasi ay tinatapon lang nila, kasi yung mga puti di nila kinakain yun. Kaya yung mga pinoy ng staff iniipon, tapos inuuwi nila sa bahay.

Kaya naman isa lang ang masasabi ko, kung may balak kang mag-Dubai o mangibang bansa siguraduhin mo lang na malakas ang loob mo at sapat ang dala mong pera. Mahirap pa naman matiwala sa isang lugar na di mo pagmamay-ari. Nakakalungkot man .... Diyos lang kasama mo rito ....

Friday, July 07, 2006

A DAY IN THE LIFE OF A DUBAI EXPAT

Tulad ng sinabi ko, isusulat ko muna sa notebook ang entry ko. Tutal ala akong sariling PC dito. Plano ko once a week na lang ako mare-rent. Pansamantala isusulat ko muna sa notebook na bigay ng pamangkin ko.

Good news may malapit nang Computer Shop na nagbukas sa lugar namin, hindi ko na kailangan pang sumakay ng bus. Ayos naman yung lugar, dalawa lang ang pinaparentang PC dahil konti lang naman ang nagre-rent. Lokal ang may-ari si Ahmed, nagpakilala na ako para maging close kami at nang makahingi ako ng discount dahil may kamahalan ang renta sa kanyang shop. 5 dirhamos kada oras kumpara sa Satwa na 3-4 na dirhamos lamang.
Pero sulit kasi mabango dito, dahil walang PANA (indiyano) at higit sa lahat mabilis ang koneksyon.

Tuwing Huwebes o kaya Biyernes lamang ang oras ko para makapag-net.
Simulan ko ang istorya kahapon ng HUWEBES ....

9AM
Off ko today ... kailangan gumising ng maaga dahil pupunta ako sa bahay ni Ate Jane, dahil magaayos ako ng CV (Resume) ko. Dali-dali kong niluto yung "adobong manok" na kakainin at babaunin ng iba kong housemates. Naligo ng 10 minuto, sobrang init talaga dito, kumukulo ang tubig na lumalabas sa gripo. Buti na lang at nakabili si Kuya Rex ng drum na iniipunan namin ng tubig sa gabi para malamig ang pampaligo namin kinabukasan.

11AM
Di masyadong mainit, paglabas ko ng bahay. Ayos! Kaya naman sinamantala ko ang paglalakad papuntang bus stop. Mga 10 minutong lakad din iyon. Pagdating dun, 5 minuto nang dumating ang bus no. 12 na sasakyan ko. Hinanda ko na rin yung Dhs1.50 na pamasahe ko. Uupo ako pansamantala sa upuan ng mga babae dahil wala pa namang gaanong pamasahero ng ganitong oras.

11:30AM
Sinalubong ako ng pamangkin kong si Katrina, tinatanong niya ako kung dala ko ko yung PS2. Sabi ko hindi at nangako akong babalik sa susunod na Huwebes at maglalaro kami. Dun na rin ako nananghalian. Tokwa, Gigi at Kare-kare ang ulam. Di natuloy ang pagayos ko ng CV, kasi sira ang koneksyon ng internet sa bahay nina Ate Jane. (Napagalamanan ko hindi pa pala sila nagbabayad)

3PM
Sinundo na ako ni Kuya Rex at nagbalak na pumunta sa Deira, kung saan nakatira si Ate Arlin. Nang tumawag kami nang masabihan sila, nasa Burjuman Mall daw sila, Bday ng kaopsina niya. Nanlibreng kumain sa Mary Brown.

Namili muna kami ni Kuya, tutal sale dun sa mall. Nakabili ako ng isang Tshirt at nang pabango. Nakabili si kuya ng Sandals.

5PM
Sinundo namin si Ate Jane sa opisina niya dahil may Mega Sale daw sa may World Trade Center ng pabango, shades, bag at kung ano-ano pang branded na bagay. Kaya naman sumama na rin kami.

Walang Kwenta ang sale! Yung lang ang masasabi ko . Napakamahal pa rin ng bilihin. Pucha! Parang di sale.

Wala kaming nabili!

6PM
Hinatid namin si Ate Arlin sa Deira, pinakain kami ng gabihan. Longanisa, chicken noodles, scrambled eggs at yung natira nilang isang pirasong porkchop kagabi.

8PM
Nagpasama si Ate Arlin sa amin ni Kuya Rex na bumili ng cabinet.

10PM
Nakauwi na kami ng bahay ni Kuya Rex, balik sa pagluto ng gabihan si Kuya (Pinakbet). Ako naman naglinis ng kubeta. Iintayin namin ang aming ibang housemate bago kami kumain. Darating sila ng 12AM.

Nood muna kami ng TAGALOG MOVIE .....

Monday, June 12, 2006

- B L A N K -


Pag kaharap ko na yung blog ko ala na naman akong maisip. "writer's block" (tama ba?) hehe. Pero kapag magisa lang ako marami akong gustong sabihin sa blog ko. Yan ang hirap kapag rent ka lang hindi ako makapagisip nang tama, pano ba naman dami kong dapat i-consider. Una, yung mga ka-chat ko sa YM. Pangalawa, yung oras kasi medyo may kamahalan ang rent rito. Huli, yung mga taong nasa tabi mo maingay lalo pa't nauso na yung voice chat. *sigh*

Unti-unti ko na ring natatanggap na narito na ako sa Dubai, nakausap ko na rin si Ka Jeff sa phone nga lang. Nauwi nga lang sa sumbungan yung usapan namin sa phone. Para tuloy nasa "Isusumbong kita kay Tulfo" kami. Hehehe..... Pero salamat ulit Ka Jeff, nawa'y susunod magkita na tayo sa personal. Wehehe.....

Balak ko nga isulat yung lahat ng nasa utak ko sa notebook tapos transfer ko na lang kapag mag-re-rent na ako. Bahala na .... eto na naman ako ..... wehehehe

Natanggap ko ito sa email ko ..... napaisip ako ..... eto nga ako!!! wehehe

Does your name begin with: E

Your greatest need is to talk. If your date is not a good listener, you have trouble relating. A person must be intellectually stimulating or you are not in terested sexually. You need a friend for a lover and a companion You hate disharmony and disruption, but you do enjoy a good argument once in a while-it seems to stir things up. You flirt a lot, for the challenge is more important. But once you give your heart away, you are uncompromisingly loyal. You will fall asleep with a good book. sometimes, in fact, you prefer a good book to a lover

Friday, May 12, 2006

Buhay ka pa pala??

"MY Friend?" "Kabayan" yan ang mga unang kong salita na kailangan ko nang kasanayan dahil nandito na ako sa dubai. Sa tagal kong hindi nakapag blog, natatakot ako baka hindi na ako marunong. Wehehe. May mga araw nga gusto kong magblog hirap lang talaga kasi di tulad sa pinas may sarili akong PC dito, kailangan sumakay pa ako ng bus para lang makapagrenta.

Bakit ba ako nagrereklamo na namam!!! Sabi nga ng mga tao dito pagdating na pagdating ko pa lang wala na raw sila narinig kundi ang magreklamo ako. Tama sila maganda ang Dubai, pero eto lang ang masasabi ko .... kung wala rin naman ang mga taong nagpapasaya sa iyo, ang tingin ko sa Dubai ay isang simpleng bagay lang na natatakluban ng karangyaan.

Tama na drama!

Eto ang listahan ng mga bagay ng nangyari, nasaksihan at malaking pagkakaiba ng "PINAS" sa Dubai...

1. Nakakatakot ang tao dito ... lalo na yung mga DEMENTORS (babaeng nakaitim, na mata lang ang kita)

2. Tama sila, ang baho ng tao dito ... ilalarawan ko na lang sa pamamagitan ng patay na daga. Yung tipong pag nagsama-sama sila makakabuo sila ng isang napakalakas na nukleyar. Teka nasusuka na ako sa katabi ko!! Suka lang ako .... urrgghh

3. Ke-lalake o babae ka man mag-ingat ka kasi dito manyakis ang mga tao, sabik sa mga tunay na tao. Di ko rin naman sila masisisi, sa higpit ba naman kasi ng relihiyon nila. Isa na akong patunay, oo namolestya ako dito wehehehe lumabas ako ng bahay para bumili ng tubig, e ang lolo mo nakasando lang. Ayun nahipuan ako sa puwet, gusto ko man makasakit di ko magawa marami sila. Pagkatapos ng pangyayaring yun di na ako ulit lumabas mag-isa.

4. Mas mabuti pang pagkatiwalaan ang ibang lahi kesa sa kapwa pinoy. Masakit man sabihin pero yan ang mga una kong napansin dito. Isang patunay, kapag sumakay ka ng carlift na pinoy mas malaki ang singil sa iyo (hihingi pa yan ng tip) kesa kapag ibang lahi, halos doble ang singil.

Ilan pa lang yan sa mga napansin ko dito .... negatibo man o positibo .. eto lamang ang mga opinyon at ayun sa nakikita ko.

Hanggang sa muli ...

Tuesday, February 07, 2006

Eto Na Yun



Natapos na ang lahat
nandito pa rin ako
hetong nakatulala
sa mundo

hindi mo maiisip
hindi mo makikita
ang mga pangarap ko
para sa iyo

oh..
hindi ko maisip
kung wala ka
oh..
sa buhay ko

nariyan ka pa ba
hindi ka na matanaw
kung merong madadaanang
pasulong

sundan mo ang paghimig na lulan
na aking pinagtanto
sundan mo ang paghimig ko

Di ko alam pero para sa akin yan na siguro ang "theme song" ng pag-alis ko. Korni ko no? ah basta yan ang kanta ko. Awitin ito ng "HALE" na ang pamagat ay "Kung wala Ka."

Heto na ang araw ng aking paglisan. Opo, huling gabi ko nang masisilayan ang pinas. Maraming na akong natanggap na "text" at isa lang ang madalas kong na tanong at yun ay kung ano ang pakiramdam nang isang mangingibang bayan. At ito lang din ang kaisa-isa kong sagot "Halo-halo" tumpak para ba yung panghimagas na sikat na sikat tuwing bakasyon. Tipong pinagpatong-patong na sangkap kung tatawagin ang mga emosyon na nararamdaman ko. Tila isang leche flan o di kaya ice cream na laging katiting ang nararamdamang kong kasiyahan. Para bang anumang oras ay malulusaw na ako at unti-unting lalabas ang butil ng tubig sa gilid ng matatawag kong baso. *sigh* Kaya naman ngayon pa lang uunuhan ko nang higupin ang natitirang sabaw at damdamin ang natitira pang sangkap.

Sa lahat ng barkada, kapamilya (pati na rin mga kapuso), katropa, mga minamahal, mga kabati, kagimikan at ikaw na bumabasa nito. Maraming salamat... kailangan ko nang magbukas ng bagong kabanata ng aking buhay. Nawa'y masamahan niyo pa rin ako.

*bow*
*clap**clap**clap**clap*

Saturday, January 14, 2006

I Never Thought It Will Be Like This


Mukhang di muna ako makakapag-blog. Sa kadahilanang. Walang na yung computer ko sa akin. huwahhhhhh Binigay ko na sa pinsan ko. Akala ko kasi aalis na ako last week pa, yung pala hindi pa! Unang dahilan, e dahil na daw dun sa namatay na ruler. So bakasyon daw ang dubai ng isang linggo. Pangalawa, ayon sa agency nahihirapan daw sila i-booked kami ng flight dahil sa mag-sho-shopping festival daw dun. Maraming gustong pumunta. *sigh* Sabi baka sa Feb 3 na raw kami umalis dahil yung lang ang may open. Pero nasa waiting list na raw kami. So anytime before Feb 3 ay pede kaming umalis.

Sa ngayon hindi muna ako makakapagblog, ok lang din naman dahil napaka-routinary na naman ng buhay ko. Wala na akong ginawa kundi tumambay sa bahay. Di ko na nga lam kong matutuwa pa ako. Bahala na!!!

Sa lahat nang dumadalaw salamat po ulit!!! :)

Monday, January 09, 2006

Di Ko Ipagpapalit

Life was never the same without friends. Kaya naman im so blessed to have a long time friends. At sila ang mga highschool classmates ko.

Hindi pa rin natutuloy ang alis ko YIPEEE! at ang balita Jan 14th pa ang balik ng opisina sa Dubai. Kaya naman kahapon natuloy na rin ang so called "Despedida" party ko with my highschool friends/classmates.

Tama sila, pinakamasaya talaga ang Highschool days. Kaya naman wala kaming ginawa kahapon kundi pasakitin ang tiyan at halos maubos ang hininga sa kakatawa ng isa't-isa. Ultimo nga mga naging problema namin noon ay pinagtatawanan na lang namin ngayon. May kwento tungkol sa lovelife, may kwento tungkol sa mga notorious na kaklase, mga matatalino, mga teacher na naging paborito at syempre yung mga malulupet. Napakasarap balikan. Kaya nga lubos akong natutuwa kasi nandyan pa rin sila, mas masarap kasing ikwento at bumalik sa nakaraan kung yung kausap mo ay nandoon din sa panahon na iyon. Binasa namin ang mga liham namim sa isa't-isa noon at mawawala ba ang pagtingin muli sa mga litrato. Yun yung talagang sobrang hagalpak ako sa kakatawa. Pucha iba itsura namin noon lalo na yung mga sinuot namin nung Junior/Senior prom. (wala akong balak i post yung pics namin) Malupet!!!! Sabi ko nga sa kanila kailangan suotin nila yung bago ako umalis. Wehehehe .....

Pag-uwi ko nang bahay naalala ko may binigay nga palang sulat si Bevs, heto ang ikalawang page ng kanyang sulat.Salamat ulit mga tunay kong kaibigan, pumunta man ako doon, makakilala man ako nang sandamakmak na kaibigan. Iba pa rin kayo Jom, Bevs, She at Rea.

x's
LINK NG PHOTOS >>>>>>> Tropang B

Blogroll

Labels

Counter