*hikab* Goodmorning my blog!!! pucha mahigit isang linggo na kong hindi nakakapagsulat sa aking munting tahanan ahh... huh?? bakit kamo? pano ba naman ang "lolo" nyo paulit-ulit na lang ang araw. heto ang detalye:
- uuwi nang alas 7 ng umaga, pero madalas nagoovertime pa nang 1 oras sa kadahilanang kailanagan namin magmeeting pa, yung bang ireremind ng boss mo sa iyo yung lahat ng pagkakamali mo. tapos bibigyan ka ng date na kailangan pagnarating mo yun hindi mo na ginagawa yung katangahan mo.
- by 8:30am, kung hindi kumakain kami ng mga kaopisina ko sa jollibee o mcdo (kung minsan istarbak pag may pera) e nagaabang na kami ni jay-jay ng bus sa tapat ng megamall papuntang fairview.
9am - bababa ako ng kamias at sasakay ng dyip papuntang welcome rotonda. malamang makakatulog na naman ako sa biyahe. hindi ko lam pero enganyong-enganyo akong matulog kapag nasa dyip. yung bang kakaibang sensasyon na umaalog. pakiramdam ko hinehele ako. patok yun!!! malamang makakatulog ako. pero nadala na ko ng isang beses, nung lumagpas ako at umabot sa UST. pucha nahiya ako sa ibang pasahero. isa na ring dahilan na mas pinipili ko na lang magdyip ngayon keysa sa FX. kasi sa dyip pahinto-hinto medyo nagigising ako.
9:30am - nasa bahay na ko nyan. bibili ako ng ulam kay aling selya, dahil malamang ala akong kakainin sa bahay. madalas gulay ang binibili ko, bukod sa sustansya at mura. paborito ko talaga ang gulay (mabuhay kayo gata) wehehe
10am - nanood ako ng "beyblade" habang kumakain. pagkatapos papalipas oras nagbabasa ng kung ano-ano hanggang makatulog.
11am hanggang 7:30pm - tulog ang lolo nyo!!!
7:30pm - babangon kahit na masakit sa ulo, kakain ng hapunan. maliligo at magbibihis papuntang trabaho ulit.
8:45pm - pasakay na ng dyip papuntang munoz. makikinig sa mga tsismisan ng katabi. wehehe
9pm - nasa mrt station na ko ng north avenue. titingin-tingin sa mga pumapasok. nagbabakasakaling may makasabay na kakilala.
9:30pm - bababa ng ortigas station, maglalakad pupuntang emerald avenue. nagdarasal na wag sanang umulan kasi ayokong mabasa yung payong ko sa bag. wehehe..
yan lang naman ang pinagkakaabalahan ko ngayong mga nakalipas na linggo... tingin nyo?? masaya ako???
Saturday, August 13, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment