Tuesday, August 16, 2005

ako may sakit??

bakit ganun? hindi kaya't may phobia ako sa pagiging magisa. hindi ko alam at hindi ko maintindihan.

hindi ko kayang umuwi magisa ... hindi ko kayang lumabas o pumuntan ng kahit 1km lang mula sa bahay ng walang kasama. Natatandaan ko pa noon, hindi ko kayang pumunta sa pagupitan ng ako lang. kailangan may kakarag-karag akong isang kaibigan o kaklase bago ako makapagpagupit. ni hindi ko nga kayang pumunta sa mall ng magisa, lalo na ang kumain sa labas. pakiramdam ko lungkot na lungkot ako. na halos kawawa ako at parang may naririnig akong mga tinig na nagsasabing "kawawa naman siya?" paranoid yan ang tamang tawag sa akin.yan din ang turing sa akin ng dati kong kaopisina nang ikinuwento ko sa kanya kung gaano ako ka dependent sa ibang tao. Ni hindi ko pa ngang nagawang manood ng sine magisa e. muntik na, pero hindi ko talaga kaya, kaya't nangulit ako sa mga dati kong kaibigan, ayon nakakuha naman ako ng kasama, kaya lang ang masama dun ako na ang nanlibre kasi napilitan lang yung ugok na samahan ako e tinulugan pa ko habang nanonood nung palabas. *sigh*

maikwento ko lang yung 'bago-bagong pangyayari sa aking di maintindihang paguugali. nagkayayaan kaming makakaopisina sa client logic na magbreakfast sa likod ng IS sa may ortigas. kahit na malayo-layo sa opisina, oks lang naman kasi may tsikot yung isa kung kasama. apat kaming natuloy. si jenny, si potipot, ako at si PJ. nung uwian na heto hindi na naman ako mapakali. nagiisip ako kung kanino ako sasabay. kay jenny?? malamang hindi pede kasi ihahatid siya ni PJ. kay potipot?? medyo malabo kasi sa makati siya nakatira sa QC ako. taliwas yung daan namin.

tanong nyo kung kanino ako nauwing sumabay??? OO kay potipot!! tanga ba? oo na realized ko na lang na napalayo pala ako ng sobra nung nandun na ko sa makati at pasakay na nang dyip papuntang LRT station.... *sigh* ano b yan???

"AUTOPHOBIA = refers to an abnormal and persistent fear of being alone or of oneself."

No comments:

Blogroll

Labels

Counter