Tuesday, August 19, 2008

Happy Birthday Nanay

Nung linggo nag celebrate si Nanay ng kayang ika-63 na kaarawan. Wala man ang mga kapatid ko rito sinamahan ako ng mga mabubuti kong kaibigan at kapitbahay sa kanyang bagong tahanan.













Ang ganda ng ilaw doon sa sementeryo kaya naman sinamantala ko nang kumuha ng mga litrato.



Saturday, August 16, 2008

Photo Ops

Pahinga muna ako sa blog tutal wala rin naman akong masususlat na matitinong post.

Sa mga dumalaw at nagiwan ng komento maraming salamat. Nakakataba ng puso ang pagbigya niyo ng panahon sa akin. Pasensya at hindi ako nadadalaw sa mga site niyo. Hayaan niyo makakabawi rin ako.

Sa ngayon post ko na lang yung mga piktyur na kinuha ko sa bago kong camera. Nilalaro ko yung macro setting ng camera.

Salamat ulit ate sa regalo, sana DSLR na sa susunod. Wehehe

Ni edit ko yung exposure ng mga pics gamit picnik

Enjoy!!!








Thursday, July 24, 2008

Photo Manipulation

Wala akong magawa nung training namin kaya naman hiniram ko yung N95 ni brine para kumuha ng ramdoms photographs. After that ginamit ko yung free online photo editing SW ng picnik para i-manipulate yung mga raw pictures to something else.

"Before"

"After"


"Before"

"After"

"Before"

"After"

"Before"
"After"


"Before"

"After"

Wednesday, July 16, 2008

Pilipinas Kong Mahal?


Kamusta naman ang pinas? Kung di ba naman talaga ako mababadtrip o. Tumaas na naman ang pamasahe sa dyip. From 8 pesos e 8.50 pesos na. Sabi sa balita matagal na daw pinepetisyon yan ng mga dyipni drivers, ngayon lang naaprobahan. Mababa pa nga raw iyon kung tutuusin kasi mag fifile sila ulit ng petisyon para gawing 10 pesos na ang pamasahe. Lintik! Napaka selfish naman ata nung move na yun. Langya sa tuwing magtataas ng gasolina heto ang mga drive orgs na magplaplano ng mass transporation rally para mapayagan silang magtaas ng pamasahe. Di ba nila alam na may kaanak din silang namamasahe?

Ang sa akin lang naman, imbes na magwelga sila tungkol sa pagtaas ng pamasahe? Why not idamay na rin nila ang pagtaas ng sweldo naming mga manggagawa. Tingnan mo mas mapapakinggan naman talaga sila, dahil malaking perwisyo kung walang dyipni na byabyahe sa kalsada. Di tulad ng mga unyon ng manggagawa, kailangan pang lumiban sa opisina makasama lang sa mga rally na yan. Di rin naman pakikinggan.

Eto ang bagong balak gawin ng gobyerno, ang gawing 80 pesos ang bayad sa mga empleyado ng opisina. Dyos ko po! E ang bigas nga 45 pesos per kilo (eto na yun pinaka matino a), tapos 80 pesos? Asus! Saan kaya pupulot ng karadagan pera ang mga pinoy para sa pang-ulam? Sinubukan ko ngang bumili ng NFA, naku naman 18.50 pesos nga per kilo di mo naman makain. Eto yung mga tipong durog, marumi at may amoy na bigas. Hindi sa nagiinarte ako, sa akin lang naman makakatipid ka nga di mo naman makakain.

Eto pa, ang bill naman sa tubig na kadalasan di umaabot ng 1000 pesos ay sa ngayo'y pumapalo sa halaga 1600 pesos. Nagsimula ang biglaan pag taas ng pinalitan ang mga linya at metro ng kuntador sa lugar namin. Huwag nilang sabihin na iba ang kunsumo namin ngayong nakalipas ng buwan kaya ganun na lang kalaki at akyat ng presyo. Naku naman! Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo nyan. Mahigit 10 taon na gumagamit at nagbabayad kami ng wala pang 1000 pesos ngayon makalipas lang ng isang buwan pagkatapos nilang palitan ang kuntador e sisingilin nila kami ng 1600 pesos. Tsk tsk tsk ...

Ay naku ... Kamusta ka na talaga Pilipinas???

Friday, July 11, 2008

Fun Post

Stolen from him:

A Shuffle Survey
1. Shuffle your iPod/MP3 player/iTunes/Whatever else you have.
2. Answer the questions by the song title that comes up.
3. Don't cheat, it makes everything more fun!

[One] What is your life going to be like in five years?
Lost by Michael Buble - huh? wag naman sana

[Two] How is your love life going for you right now?
You Give Me Something by James - TAMA! Pahinge?!!

[Three] What pisses you off the most about the opposite sex?
Party People by Nelly - Ayoko talaga sa mga sobrang wild di ko kaya. Wehehe

[Four] What do your parents really think of you?
Baby Love by Nicole - Yup .. Im their bunso


[Five] What do you think about the world and its current state?
You Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus - I dont think so.


[Six] What is the worst thing that's ever happened to you?
Goodbye by Richard Poon - Sino ba naman ang hindi malulungkot sa pamamaalam :(


[Seven] What will your first/next time having sex be like?
Home by Chris Daugthry - Homerun!!! Wehehe


[Eight] What is your main goal in life?
Way Back Into Love by Hugh Grant - I always feel alone, maybe this is the right time.


[Nine] What do the girls at your school think of your looks?
Feedback by Janet Jackson - Redundant....


[Ten] What do you really want in life?
Over It by Katherine McPhee - Oi wala akong balak a :o


[Eleven] How are you going to get far in life?
Umbrella by Rihanna - You'll never know when you need one ;p


[Twelve] What do say when you're in a bad mood?
Panaginip by Wake Up Your Seatmate - Its all just a dream.


[Thirteen] What about when you are really happy?
First Time by Lifehouse - I think so... pede


[Fourteen] What do you think of yourself in general?
Never Find A Love like This by Natasha Bedingfield - Di ko ito na getz .. wehehe


[Fifteen] What is your life's theme song?
Girlfriend by Marie Digby - Hahahaha

[Sixteen] What are you going to do this weekend?
Call Me Irresponsible by Michael Buble - Been lazy for the past few weeks.


[Seventeen] How can you try and make yourself happy?
Photograph by Nickelback - Match na match ito .. i always wanted to study photography.


[Eighteen] What song will they play at your wedding?
Stop & Stare by One Republic - Hindi kasi sila maniniwala. Wehehe


[Nineteen] What about your funeral?
Naalala by Richard Poon - Bagay ...


[Twenty] What or who makes you the most happy?
Take You There by Sean Kingston - TARA! Samahan kita dun sa nagpapasaya sa akin.


[Twenty One] What am I even doing on this Earth?
Rehab by Amy Winehouse - This place is one hell of a big rehab.


[Twenty Two] How am I going to die?
Me and Mrs. Jones by Michael Buble - Papatayin ako ni Mrs. Jones? Hala?!!


[Twenty Three] What is some good advice?
Realize by Colbie Caillat - This is very applicable.


[Twenty Four] & What's some advice you'd never take?
Crazy Over You by 112 - I will never go crazy for something or someone.


[Twenty Five] Will you ever have children?
More Than Anyone by Gavin DeGraw - Padamihan tayo.


[Twenty Six] What is high school like for you or what will it be like?
Glamorous by Fergie - Medyo!


[Twenty Seven] How are you feeling today?
Empty by The Click Five - Tama ito! Empty stomach... wehehe


[Twenty Eight] What's your general outlook on life?
Beautiful Girls by Sean Kingston - Manyak! Hahaha


[Twenty Nine] What are your last words going to be?
Deja Vu by Beyonce - Hmmmm..... nah!

[Thirty] What song is going to be stuck in your head all day?
Wonderful Tonight by Michael Buble - Hindi ito totoo .. wehehe

Natuwa naman ako ... wehehe ... salamat dun sa pinagkuhanan ko. I dont think kilala niya ako. :)

Monday, June 23, 2008

Everybody is talking about Frank

Ayan tumama rin ang panahon. Umuulan na ulit. Di ko sinasabi na gusto ko ang Bagyo a, but i really miss the rain yun nga lang nasobrahan naman ata, binigyan tayo ng bagyo. Wehehe .... tutsal ang name ng bagyo a? Frank ... nasaan na sila Dodong at Melenyo? Wehehe.

Nung nakaraang araw kahit sobrang lakas ng ulan e pinapasok pa rin kami sa opisina. Lam mo naman sa call center? Walang bagyo-bagyo o holiday. No choice, nagbaon ako ng payong at jacket. Buti naman at nung papasok ako e wala pang masyadong ulan ambon pa lang. Humagupit ang bagyo bandang madaling araw na. Kahit nasa loob kami ng opisina mararamdam mo ang kakaibang lamig, di yung galing sa aircon a? Ang sarap tuloy matulog. Paglabas namin ng opisina para mag break. Ayun sumisipol na ang hangin at basang-basa na nang ulan yung harap ng opisina namin.

Alas siyite ng umaga ang labas ko. Napagdesisyonan ng opisina na mag-hire ng bus na maghahatid sa aming mga emplayado sa mga piling lugar. E tiga-QC ako tapos ang huling station na hihintuan ng bus e Cubao. Bitin! Wala rin ... Mga 3 sakay pa ako mula roon. Sabi ko hindi maganda ito, malamang makarating nga ako ng Cubao pero maiistranded din naman ako mula roon. Tinext ko si Laryuki, sabi ko punta muna ako sa bahay nila para magpalipas ng ulan tutal malapit lang naman ang bahay niya sa Cubao. Habang hiniintay ko ang sagot niya, tumawag ang pinsan ko at sinabing sumabay na lang daw ako sa asawa niya pauwi ihahatid daw ng asawa niya ang pamangkin ko dito malapit sa opis namin. Ligtas!!! Sobrang laking pasalamat ko. Ni text ko ulit si Laryuki para sabihin salamat at hindi na ako makakapunta sa bahay nila.

Alas niwebe na ng dumating ang pinsan ko sa opisina. Sa Edsa daw ang daan namin dahil siguradong lubog na ang Maynila sa mga oras na yun. Sa daan, maraming puno ang talaga naman hugot ang ugat mula sa lupa. Mga poste ng kuryenteng tumumba. Natakot ako para sa bahay ko.

Alas diyes ng makarating kami sa bahay. Ilang baha din ang dinaanan namin bago makauwi. Buti na lang at hindi tumirik yung sasakyan.

Pagpasok ko ng gate sabi ng maliit kong pamangkin na basang-basa daw ang pinto ng bahay ko. Brownout ang buong lugar namin. Pero nakahinga ako ng malalim nang makita kong walang nilapad na bubong at buo ang dingding ng bahay ko.

Pagkabihis at pagkakain ng agahan, nilapat ko na ang pagod kong likod sa sofa. Di ko namalayan nakatulog na ako sa sipol ng bagyo at paunti-unting anggi ng ulan sa aking mukha.

Saturday, June 21, 2008

Tagging Along

I was tagged by Kat ... thanks again for constantly visiting my site. Wehehe .. Drama!

I was shock "Highschool" akala ko nga pang kinder yung site ko e. Wehehe. Really kapag nag baback track ako ng mga entries ko natatawa ako. Sometimes pa nga i would have second thoughts kung ako ba talaga ang sumulat nun. Wehehe.

Who am i Tagging??? Anyone from my blogroll ...... :)

***** Start Copy Here *****

1. Take the Readability Test for your blog(s) here.
2. Paste the result on your site.
3. Copy and paste this tag on your blog (make sure to include the links).
4. Add you link to this tag.
5. Tag as many friends / readers / victims as you want!

1. Read my Mind 2. Love Me. Hate Me. 3. Airwind 4. Add you link here.

***** End Copy here *****

Wednesday, June 18, 2008

Confession Session

Dahil wala akong masyadong ma post lately ... habang naliligo ako kanina napagisipan kong why not mag post ako ng mga personal confession ko dito sa blog ko. Mga bagay na di ko masabi directly sa mga taong nakakasalamuha ko.

Para sa unang confession ko ...

My blag,

Nanghihiram kanina ng pera yung pinsan ko at yung barkada ko nung college ... hindi ko pinahiram yung pinsan ko kasi notorious siya na hindi marunong magbayad .... kaya dun na lang sa barkada ko pinahiram.

Airwind

Monday, June 16, 2008

Blabber

Nothing to post .. ask me why? Well my constant answer will be "im so tired and occupied that i dont have any time to think of what i can post"

How long had i been blogging? Around 4 years now, that is if you are counting my lapses.

What do i want to talk about? *thinking*

About me?

Well i did post about me going to gym before. I started 8 months ago.

So what has change? Buff na ba ako? Nah ..... i dont even wish to have big muscle. Tingin ko kasi di bagay sa akin. With my height of 5'4 and to have a bulky .. muscular muscle. I think i will look like a turtle. Wehehe. No offence. I always wanted to have just a lean kind of muscle and flat stomach. So do i hit my goal yet? Well, when i started i weight around 160 to 170 Lbs but the last time i weight im on my 135 lbs mark. No bad if your going to ask me. My waist loss to inches from 32 im down to 30. Im hearing you asking for my pics. Well ..... let me say im i have loads of them here at my blog. But you wont see any pictures of me without my shirt off and flexing my muscle. Wehehe ..... Asa!!!

Now that made me think of posting my before and after picture.

Uhmmm ... maybe not ... :)

Saturday, May 24, 2008

TV-holic

When i started working again here in the Phils I was drawn by my new officemates to watch american TV series. Na hook na naman ako sa kanila. Before i used to watch TV series and just to name some of them there is Charmed, Scrub, Smallville at CSI.

Pero this time. Ibang level ang pag ka hook ko sa mga series. Yung bang ni dodownload ko agad yung latest episodes online para lang maupdate ko yung sarili ko. I even have there US schedule para alam ko kung kelan ko dapat idownload. Kapag malas at walang mai-download. I often visit streaming websites as well para lang makapanood ako at hindi mahuli.

So im sharing to you the list of my favorite US TV series:

The series tells the stories of ordinary individuals who discover that they have superhuman abilities, and also explores how these people adapt to the changes these abilities bring, and their roles in preventing catastrophes and saving humanity.

The story revolves around a man who was sentenced to death for a crime he did not commit and his brother's elaborate plan to help him escape his death sentence.





The series revolves around Dr. Meredith Grey, who began the show as a surgical intern at Seattle Grace Hospital in Seattle.


Set and produced in Miami, the series centers on Dexter Morgan, a serial killer who works for the Miami Metro Police Department as a blood spatter analyst.





It follows the life of the unglamorous but good-natured Betty Suarez, and her incongruous job at the ultra-chic New York City fashion magazine Mode.





Earl J. Hickey, a petty crook with occasional run-ins with the law, whose newly won $100,000 lottery ticket is lost when he is hit by a car. While lying in his hospital bed after the accident, he develops a belief in the concept of karma when he hears about it during an episode of Last Call with Carson Daly. He decides he wants to turn his life around and makes a lisy of all the bad things he's ever done. He sees this as a sign and, with his new lucky money, he proceeds to cross items off that list, one-by-one, by doing good deeds to atone for them

Eli Stone is an attorney who in the first episode is discovered to have an inoperable brain aneurysm which is causing hallucinations. Eli's acupuncturist, Dr. Chen, suggests that his hallucinations are actually divinely inspired visions of the future.



Gossip Girl revolves around the lives of socialite young adults growing up on New York's Upper East side who attend elite academic institutions while dealing with sex, drugs, jealousy, and other teenage issues. It has been confirmed that Gossip Girl will have a second season airing in fall 2008 with 24 new episodes.


The series is about an "average computer-whiz-next-door" who receives an encoded e-mail from an old college friend now working in the CIA; the message embeds the only remaining copy of the world's greatest spy secrets into Chuck's brain.

Information about the TV series were grabbed from wikipedia.org

If your interested of downloading episodes of the following series click this (TADAH!!)

Sunday, May 18, 2008

Tropahan - Kembotan

"Trident Outing 08 (Matabungkay Beach Resort)"

Wala talagang tatalo sa mga tropa ko sa Trident. Akalain mo ilang taon na ang nakalipas ng magresign ako doon sa kompanyang yun. Pero ang namuong pagkakaibigan namin lahat ay di pa rin nabubura.

Marami ngang nagtataka lalo na yung mga boss namin at kasamahan noon kung paano namin nagagawang magkontakan pa rin lalo pa't iba-iba na ang linya ng trabaho namin.

Isa lang ang sagot ko dyan. Kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.

Maraming salamat ulit sa inyo. Naging kumpleto ang summer vacation ko sa outing na ito.

Muli salamat sa iyo/inyo ...

Ponyang at Eric
iba ka walang tatalo sa kakembotan mo. Busy ka man alam ko kaunting text o tawag ko lang nandyan ka na agad. Eric, galing mo tsong makisama, parang matagal ka na namin katropa.

Laryuki
hari ka man ng kabastusan, malupit ka pa rin na kaibigan. Ikaw yung tipong game sa lahat. Bukod tangi kang 'Lalaking Kaladkarin."

Butsok
madalas man kitang asarin alam ko naman na alam mong katuwaan lang yun. Patawarin mo ako.

Evie, Mike at Tim
isa lang masasabi ko Amazing. Nakita ko sa anak niyong si Tim kung gaano kayo ka responsableng magulang. Bilib ako. Di ko maisip ang outing ng tropa ng wala kayong mag-asawa.

Len
hands down ako sa iyo. Bow na bow. Tama si larry kapag ikaw ang nagplano hindi ako dapat mag-alala. Di ako nagutom sa outing na ito dahil sa iyo.

Dada at Al
proud ako na naging kaibigan ko si Dada masipag at mabuting anak kahit sa tingin ko sobra na. Salamat sa pag drawing mo sa akin ng sperm na henna. Kay Al ikaw ang bagong salta sa tropa pero panalo ka tsong di ka nagpaewan sa ere.

Jel
madalang man tayong magkita ... iba pa rin ang dating lalo na kapag nagsama-sama na tayong lahat ulit. Parang hindi rin tayo nagkakahiwalay.

Sol
salamat sa pagsama. Sana natuwa ka sa pagpasyal na ginawa natin. Ang sarap ng adobo mo. Sa susunod damihan mo ang pagdala.


Para sa iba pag piktyurs ito ang link sa multiply

What's with the name?


Ni tag ako ng katotong Watson ko. Pasensya na po kung natagalan ang sagot ko.

Yung "KillerPatatas" ay nakuha ko dun sa dati kong trabaho sa Epldt. Isang call center sa Makati.

Tinawag ang batch namin na Spuds na nickname ng potato. So lahat ng batchmate ko ay gumawa ng email sa yahoo na may relasyon sa patatas. Kaya ayon .... KillerPatatas, nothing really special there. Wehehe.

The name AirWind, came from my real name which is Erwin. Ginawan ako ng lettering nung dating kong ka opisina at imbes na Erwin ang nakalagay e AirWind. Kaya ayon, nagka ideya akong ipangalan yun sa blog ko.

Ang sa akin recall is still much better than anything else. Kapag may nanghihingi nga ng email ko. Napapangiti sila at talaga namang madali nilang natatandaan.


:)

Monday, April 28, 2008

Ilocos Trip Day 5

Umaga pa lang ng April 6 ay nag-ayos na kami. Maglilibot kami sa Vigan.


"Vigan Church"

"Vigan sa Umaga"

Isang oras at kalahati lang ang byahe mula Sta. Maria, Ilocos Sur papuntang Vigan.

Pagkatapos ng lunch, diretso kami sa plaza. Napagdesisyonan ng tropa na mas maganda maglibot ng Vigan sakay ng kalesa. First time ko yun makasakay ng kalesa. Sabi ng mama Php 150 lang daw kada oras. Aba'y mura kumpara sa intramuros na Php 300.

Una naming pinuntahan ang Bantay Bell Tower, may bayad ng 20 pesos ang pagpasok. Para daw sa maintenance.

"Bantay Bell Tower"

Sinunod namin ang Pottery place, nag-iisa lang ang mama nung oras na yun. Kaya naman reklamo niya ang unang tumambad sa amin. Inabutan ng kasama ko ng 20 pesos pang merienda.

"Talent"

Lumibot pa ang kalesa sa hidden garden, na hindi naman kami tumagal kasi tindahan lang naman ito ng mga halaman di ko lam kung bakit pa dito dinadala ang mga turista. Malamang sa malamang parang kainin yung oras. Pano ba naman malayo ang lokasyon ng hidden garden from the pottery place.

Dadaan pa sana kami ng Baluarte nung mama. Pero sinabihan na namin siya inde na at bumalik na kami sa plaza. Binigalan pa lalo nung mamang kutsero ang pamaneho niya sa kabayo niya. *sigh*

Sakay ng kotse ni Gus tumungo na kami sa Baluarte ang famous na bahay ni Chavit Singson. Huling lugar na pinuntahan namin sa Ilocos.

"Baluarte"

Huling stop bago umuwi ay pumunta muna kami sa tindahan ng kornik, empanada at bagnet ... Sobrang nag enjoy talaga ako sa trip ko sa Ilocos. Nagpapasalamat ako kina Gus at Liza .. Da best talaga kayo :)

"Bye Bye ... Ilocos"

Blogroll

Labels

Counter