Thursday, April 24, 2008

Ilocos Trip Day 1-2

Sulit .... yun ang pinakamagandang salita na pede kong gamitin para ilarawan ang Ilocos Trip ko ng limang araw. Kung pagkokomparahin ko yung HK trip ko sa Ilocos ay walang-wala ang HK.

Mahigit dose oras ang byahe mula Maynila patungong Ilocos Sur. Pero sa bilis ng pagmamaneho ng kaibigan kong si Gus, nakuha lang namin ang byahe ng siyam.

Umalis kami ng 7:30AM ng Maynila. Pagkatapos ng dalawang stopover (Tarlac at Agoo) alas 4:30 ng hapon narating namin ang Sta.Maria, Ilocos Sur. Di na kami nagsayang nang panahon. Pagkababa ng gamit sa bahay ng tiyuhin ni Gus ay dumiretso na kami sa Dagat na malapit sa bayan ng Sta. Maria ... ang ganda ng mga kuha namin dahil sa naabutan namin ang paglubog ng araw. Di namin maiwasang di lumundag sa tuwa. Dumaan na rin kami sa simbahan ng Sta. Maria na isang UNESCO site.
Kinabukasan ng 9am bumiyahe na kami papuntang Pagudpud. Aabutin daw ng 6 na oras mula sa Sta. Maria ang byahe patungong dulo ng ng ilocos na kung saan nandoon ang Boracay of the North ang Pagudpud.

Di namin pinalampas ang mga landmarks na madadaanan namin patungo roon. Bumaba kami para kumuha ng litrato sa Quirino Bridge na nagco-connect sa Ilocos Sur at Vigan. Pinasyalan namin ang famous Bojeador Light Tower, naabutan namin si Mang Jun na isa sa mga caretaker ng parola. Sumunod ang Bangui Windmills, na talaga naman pinahanga ako. Di ko inaakala na malaki pala ang mga ito. Akala ko dun sa video ni Regine na mayayakap ko yung pinaka katawan nung windmill. Nagkamali ako.Huminto kami sandali sa isang bayan bago mag Pagudpud para bumili ng tubig at waffles. Sobrang init noon kaya naman excited na kami makita ang dagat at makalangoy.

Pagdating ng Pagudpud. Naglakad-lakad muna kami sa beach para makahanap ng matutuluyan na mura at maayos. Di ko akalain maraming tao pala ang nagpupunta sa Pagudpud. Marami na rin resort doon. At halos lahat mahal. Napili namin ang Polaris Beach Resort. Medyo malayo ito sa mga main resort ng Pagudpud. Pero kung katahimikan at relaxation ang hanap mo i highly suggest Polaris.
Pagka check-in sa resort naghanap na kami ng makakainan. May kamahalan ang pagkain sa resort kaya lumabas kami para maghanap ng kariderya. Maraminng Homestay sa labas ng resort na nagpapaupa ng kwarto at nagluluto ng pagkain. Nakilala namin si Ate Tess. Pinagluto niya kami ng Lobster at Inihaw na Talong.
Bukas naman ang karugtong. Kinabukasan namasyal kami papuntang Patapat Bridge at Blue Lagoon. :)

Saturday, April 19, 2008

Here's to You

While im still working on my Ilocos trip post ... another tag which i grab from laryuki's blog.

Dear Poldo,

I don't really know how to tell you this, but i'll join the monastery. I think I realized it when we skinny dip outside of chicago and I saw you sit at my avacado plant.

I'm sure you're middle-class enough to understand that santa doesnt exist.

I'm returning your contact book to you, but I'll keep your neighbour Martin as a memory.You should also know that I always wanted to break our friendship.

Go Burn,
-Airwind-


Funny!!! Hahaha .....



Instructions:

Do it like this,

Dear (the person who last texted/smsed you).

I don't really know how to tell you this, but ___1___. I think I realized it ___2___ ___3___ and I saw you ___4___ ___5___.

I'm sure you're ___6___ enough to understand ___7___.

I'm returning ___8___ to you, but I'll keep ___9___ as a memory.You should also know that I ___10___ ___11___.

___12___,
-Your name-

1. What's the color of your shirt?
Blue - Our romance is over
Red - Our affair is over
White - I'll join the monastery
Black - I dislike you
Green - Our horoscope doesn't match
Grey - You're a pervert
Yellow - I'm selling myself
Pink - Your nostrils are insulting
Brown - The mafia wants you
No shirt - You're a loser
Other - I'm inlove with your sister

2. Which is your birth month?
January - That night
February - Last year
March - When your dwarf bit me
April - When I tripped on sesame seeds
May - First of May
June - When you put cuffs on me
July - When I threw up
August - When I saw the shrunken head
September - When we skinny dipped
October - When I quoted Santa
November - When your dog ran amok
December - When I changed tennis shoes

3. Which food do you prefer?
Tacos - In your apartment
Pizza - In your camping car
Pasta - Outside of Chicago
Hamburgers - Under the bus
Salad - As you ate enchilada
Chicken - In your closet
Kebab - With Paris Hilton
Fish - In women's clothing
Sandwiches - At the Hare Krishna graduation
Lasagna - At the mental hospital
Hot dog - Under a state of trance
Annat; With George Bush and his wife

4. What's the color of your socks?
Yellow - Hit on
Red - Insult
Black - Ignore
Blue - Knock out
Purple - Pour syrup on
White - Carve your initials into
Grey - Pull the clothes off
Brown - Put leeches on
Orange - Castrate
Pink - Pull the toupee off
Barefoot - Sit at
Other - Drive out

5. What's the color of your underwear?
Black - My best friend
White - My father
Grey - Bill Clinton
Brown - My fart balloon
Purple - My mustard soufflé
Red - Donald Duck
Blue - My avocado plant
Yellow - My penpal in Ghana
Orange - My Kid Rock-collection
Pink - Manchester United's goalkeeper
None - My John F. Kennedy-statue
Other - The crazy monk

6. What do you prefer to watch on TV?
Scrubs; ManO.C.; Emotional
One Tree Hill; Open
Heroes; Frostbitten
Lost; HighHouse; Scarred
Simpsons; Cowardly
The news; Mongolic
Idol; Masochistic
Family Guy; Senile
Top Model; Middle-class
Annat; Ashamed

7. Your mood right now?
Happy - How awful I've felt
Sad - How boring you are
Bored - That Santa doesn't exist
Angry - That your pimples are at the last stage
Depressed - That we're cousins
Excited - That there is no solution to this.
Nervous - The middle-east
Worried - That your Honda sucks
Apathetic - That I did a sex-change
Ashamed - That I'm allergic to your hamster
Cuddly - That I get turned on by garbage men
Overjoyous - That I'm open
Other - That Extreme Home Makeover sucks

8. What's the color of your walls in your bedroom?
White - Your ring
Yellow - Your love letters
Red - Your Darth Vader-poster
Black - Your tame stone
Blue - The couch cushions
Green - The pictures from LA
Orange - Your false teeth
Brown - Your contact book
Grey - Our matching snoopy-bibs
Purple - Your old lottery coupons
Pink - The cut toenails
Other - Your memories from the military service

9. The first letter of your first name?
A/B - Your photo
C/D - The oil stocks
E/F - Your neighbour Martin
G/H - My virginity
I/J - The results of blood-sample
K/L - Your left ear
M/N - Your suicide note
O/P - My common sense
Q/R - Your mom
S/T - Your collection of butterflies
U/V - Your criminal record
W/X - David's tricot outfits
Y/Z - Your grades from college

10. The last letter in your last name?
A/B - Always will remember
C/D - Never will forget
E/F - Always wanted to break
G/H - Never openly mocked
I/J - Always have felt dirty before
K/L - Will tell the authorities about
M/N - Told in my confession today about
O/P - Was interviewed by the Times about
Q/R - Told my psychiatrist about
S/T - Get sick when I think of
U/V - Always will try to forget
W/X - Am better off without
Y/Z - Never liked

11. What do you prefer to drink?
Water- Our friendship
Beer - Senility
Soft drink - A new life as a clone
Soda - The incarnation as an eskimo
Milk - The apartment building
Wine - Cocaine abuse
Cider - A passionate interest for mice
Juice - Oprah Winfrey imitations
Mineral water - Your embarrassing rash
Hot chocolate - Eggplant-fetishism
Whisky - To ruin the second world war
Other - To hate the Boston Celtics

12. To which country would you prefer to go on a vacation?
Thailand - Warm regards
USA - Best regards
England - Fuck off now
Spain - Go and drown yourself
China - Disgusting regards
Germany - With ease
Japan - Go burn
Greece - Your everlasting enemy
Australia - Greetings to your frog Leonard
Egypt - Good luck on your short-term leave from jail
France - In pain
Other - Greetings to your freaky family

Thursday, March 27, 2008

Tag Action

I wasnt Tag but i like this one from Kat ... so im tagging along ....

Looking back 4th Yr High School - Q&A


What section were you?

- Amethyst .... pangalawa sa mataas *ahem* Diamond daw kasi ang una ... katuwa nga kasi nung una kong malaman ung magiging section ko di ko lam ang spelling wehehe.


Who were your seatmates?

- alphabetically arangged kami kaya e F ang first letter ng last name ko kaya sa gitna ako ni Jomar G at Gene F.


Still remember your English teacher?

- oo naman, si Ms. Blaza. Teacher ko rin siya nung second year ako .. siya lang ang nagbigay ng 79 na grade sa akin kaya di ko siya makakalimutan at dahil lang yun sa pang-aasar ko dun sa favorite student niya na may putok. :(


What was your first class?

- Math, adviser ko yung teacher ko kaya madalas sermon lang ang nagagawa namin kesa magklase.


Made friends to the lower years?

- Yes, friendly ako nung highschool and some of my classmates from third year were transferred to lower class. But i dont mind the difference, to me may mga bagay na may alam sila ni hindi ko alam. So i think its fair. Its just numbers.


How was your class schedule?

- pang-umaga ako 7am to 3pm. Pero most of the time nag stay ako sa school up to 5pm kasi naglalaro ako volleyball.


Made any enemies?

- nung 4th year ala ... pero nung second year their is this one guy na binu-bully ako. Ni-iislash nya yung folder ko gamit yung cutter niya. Badtrip yun! Nagsapakan kami sa klase. Ending bugbog ako kasi maliit ako nung highschool.


Who was your favorite teacher?

- Ms. Manalo (Physics) kasi she let us play charade during her time ... wehehe


What sport did you play?

- Volleyball, sumasali pa nga kami ng school intrams and for 2 consecutive year (3rd and 4th yr) kami ang nanalo. Yabang! wehehe


Were you a party animal?

- noon naman di pa party animal ang tawag ... more of haliparot ... hehe .. yung teacher ko nga sa social studies tawag sa akin manok kasi di ako makapag stay sa isang chair lang. Wehehe.


Were you well known in your school?

- within our class OO! At saka dun sa mga naging kaklase ko pero sa buong school, hindi ata ... im an average student.


SKIP CLASSES?

- Yes, THE (Technology and Home Econimics) lalabas kami to play sipa. Pano ba naman tahi ng tahi ng cross stich sa class na yun ... Di ko type .. wehehe


Did you get suspended/expelled?

- Di naman umabot sa suspension .. thank god!


Can you sing the alma mater?

- opcors!!! hanggang ngayon kabisado ko pa!


What was your favorite subject?

- Science, basta i enjoyed exploring things and finding answer to some questions na di mo ma-explain.


Did you go to the dances?

- sumali ako sa Dance Troupe nung second year ako ... we used to compete and do shows sa mga hotels and events. Mga folk dances ang kadalasang sinasayaw namin. Pero i decided to quit nung 3rd year kasi bumaba ang grades ko.


Where did you go most often during breaks?

- there are times na umuuwi ako sa bahay kasi 2 blocks lang naman ang layo ng house namin sa school, kaya lang bawal lumabas kaya kapag di ko nakalusot sa guard sa canteen na lang.


What did you do on the last day of school?

- nagpalitan kami ng letters ng mga classmates ko .... nagsaoli ng toga sa adviser ko ...



Sobrang saya ng Highschool ... tamang walang masyadong intindihin .. parang you are torn between being an adult and still think and act like a kid but still nobody cares ..... *sigh* ang sarap balikan.





Wednesday, March 26, 2008

Im Home

Nahihiya ako sa wordpress at sa blogspot. Akalain mo konting glitch lang sa system nila hanap na ako ulit ng bagong blogsite.

Pero eto ako ulit ngayon nagbabalik sa luma kong bahay. Ika nga nila there is no place like home.

Masyado ako nahirapan sa wordpress ... tama si K libre nga yung site but there are some limits. Even the posting part hindi ko ma-gets. Whenever i try to put pics on my post, nagugulo yung entry ko. Nandyang nagiiba ng font, nawawala yung alignment o kaya sabog-sabog talaga sila. *sigh* i miss blogging so much that i just want to do the basic ... none of those thing-a-magic widgets or blah's ... pero hindi ako magsasalita ng tapos. Kasi i might add some later on. Ayoko magsalita ng tapos.

Anong nga bang nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan.

Nung February ... naouting kami ng college friends ko sa Puerto Galera. First time ko makapunta kaya naman nangapa pa kami sa gastusin at lugar na matutuluyan. Ang masasabi ko lang ... maganda ang puerto galera, mura at talaga naman enjoy. Yun nga lang bad timing yung punta namin kasi tag-ulan. 3 days and 2 nights kami doon. Pero dalawang beses lamang kami nakaligo kasi nga may bagyo. Malalim ang dagat at ang lamig. Kaya wala kaming magawa kundi tumambay at uminom na lang sa room namin. Mga 2K lang ata ang nagastos ko lahat ... 1000 pesos sa pamasahe ... 1000 yung room per day (6 kami kaya tig-500 kami) yung rest pagkain at pasalubong. Mura ang pasalubong sa galera at ang pagkain ... hanep di ka magugutom ang daming karinderya at resto na masarap at mura na makakainan.







Puerto Galera '08

Siguradong babalik ako .... ibang tao naman ang kasama.
Wala akong masyadong pictures kasi na low batt yung camera at wala akong dalang charger. Kaazar!

Sa susunod na linggo sa Ilocos naman kami ng mga dating kong kaopisina ... ill update my blog again sa susunod.

Thursday, August 23, 2007

Migration

Nagloloko ang blogspot ko ..... gumawa na ako ng account sa wordpress ... baka lumipat na ako. Here is my new address Airwind

Wednesday, August 22, 2007

A Love Story (REVIEW)

Madalang akong manood ng tagalog film. Lalo pa't kung sino-sino na lang ang nagiging artista.

Last film na tagalog na napanood ko ay "Shake, Rattle and Roll 8" na nadismaya lang ako. Tinulugan ko yung dalawang episode. Ni di man lang akong nasindak, mas naiinis pa ako sa binayad ko na hindi ko man lang nasulit.

Naka-chat ko yung isa kong opismate na madalang din manood ng tagalog. Tinanong niya ako kung napanood ko na raw yung "A Love Story" nila Maricel at Aga. Sabi ko hindi pa, at wala akong balak lalo pa't si Aga ang main cast.

Simula nung napanood ko si Aga na kapartner si Claudine (na dati niyang kapatid sa Okidoki Dok) at si Kristine Hermosa na halos kalahati ata ang bata ng edad sa kanya. Nagdesisyon na akong wag manood ng susunod na pelikula niya. At ang kinakakaba ko baka yung susunod e si Serena Dalrymple na ang kapareha niya.

Pero napalit ako ng kaopisina ko. Sabi niya hindi niya raw ipapahiya ang sarili niya sa akin.

Nung linggo, ang init sa bahay. Ubos na rin ang mga DVD na pinapanood ko. Lahat ng tao umalis. Kaya yung tinopak ata ako niyaya ko yung kapitbahay kong manood ng sine. At syempre "A love story" ang pinanood namin. oo na kinakain ko na yung sinabi ko about Aga.

Nilibre ko yung kapitbahay ko tutal sa SM San Lazaro lang naman. Palipas oras baga (palusot). Ang haba ng pila. Dalawang sinehan ang nagpapalabas ng pelikula ni Maricel.

Nagbaon kami ng chichirya at isang 500ml na apple flavor na jungle juice sa loob ng sinehan.

5:10 nagsimula ang palabas ......

Tumakbo ang kwenta sa love triangle ng tatlong main cast na sina Maricel, Aga at Angelica.

Di ko na kwekwento ang buong istorya ... pero masasabi ko lang nanumbalik ang paniniwala ko sa pelikulang pilipino dahil sa movie na ito.

Magaling ang takbo ng istorya sa simula mapapaisip ko kung sino ang tunay na kerida kina Maricel at Angel.

Sa huli paiisipin ka naman kung sino ang sasamahan ni Aga sa dalawa.

Hands down ako sa writer ng movie na si Vannessa Valdez (yun e kung di ako nagkakamali)

Isa lang ang natutunan ko sa pelikula "History repeats itself." Panoorin niyo ang pelikula para malaman niyo kung bakit.

May koneksyon ito sa relasyon ng Tatay ni Aga at sa relasyon ni Aga sa mga naging babae niya .....

Unang review ko ito kaya medyo magulo ... pasensya ....

Tuesday, August 14, 2007

Ma-mimiss kita Kaibigan ko

Ito si Pauline aka Ponyang aka Bodette. Nakilala ko siya nung college. Maka block seksyon kami simula 1st yr hanggang 2yr. Pagdating ng 3rd yr 2nd sem lumipat na siya nang seksyon pero di doon naputol ang pagkakaibigan namin.

Panggabi kami nung college, 6-9pm ang pasok Mon-Sat. Madalas maaga palang pupunta na ako sa bahay nila Pao maglalaro ng dance revolution sa PS1 nila kasi meron silang dance pad. Habang siya naman aasikasuhin niya yung bunso niyang kapatid na papasok sa eskwelahan. Pagkaalis ng kapatid niya para pumasok. Linis naman ng bahay ang bibigyan pansin niya. Siguro aabutin na siya ng 4pm para matapos kaya naman madalang na maglaro kami dalawa kasi maliligo na siya at mapreprepara para pumasok.

Masipag, maalaga, maalahain at sobrang bait niyan si ponyang. Siya pa nga ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa dati kong employer. Ni refer niya ako sa kompanya nila. Ayon dahil sa kanya naawa yung kompanya at binigyan ako ng trabaho.

Eto yung mga hindi ko makakalimutan na mga moments namin ni Ponyang:

~ yung nag apply kami ng trabaho sa Jollibee, Cubao. Siya at si Rachel lang ang natanggap. Pero di rin naman niya tinuloy.

~ natatandaan ko pa yung pagtitinda niya ng Halo2x para makaipon siya ng pambili ng Cellphone. 5150 pa uso nun. Na nabili niya naman.

~ yung mga pag chaperon ko sa kanya kapag kasama namin yung BF niya. Yung bang sasabay ako sa kanyang pauwi kahit na mapapalayo ako ng daan.

~ yung pagkain namin sa SM North, wala kami pera pa nun. Bibili kami ng 20 pesos na spaghetti sa A&W at 20 pesos naman na burger sa Wendy's.

~ yung paborito naming "Tapsi Plus" na kainan sa foodcourt.

~ mga nakakatawang alala, nung minsan nadapa siya sa Pureza at nagkapasa siya sa tuhod.

~ yung tinuruan niya akong bumili sa ukay-ukay. Na kapag suot niya na ay walang nakakahalatang sa ukay-ukay niya yun binili.

~ yung pagsali niya sa promo girl 03 nung college kami (isa itong beauty pagent)

~ yung pagganap niya bilang Ariel sa play namin na nagcustome sirena siya.

~ ang magdalas mapagkamalan na si Judy Ann noon ... Si Sarah Geronimo na ngayon.

~ yung pagpapakilala niya sa akin kay Viols na tigagupit ng buhok ko hanggang ngayon.

~ yung pagtulog niya sa bahay namin nang minsang lumayas siya sa bahay nila at ginawa kong siyang tigahugas ng pinggan.

~ ang pakikinig namin kay Ms M sa DZMM bago matulog nung mga panahon na iyon.

~ yung pamimili namin ng pamasko sa mga inaanak namin sa Divisoria.

~ yung sinabihan kaming walang pinagaralan ng isang tindero sa Divisoria dahil hindi namin nakuha yung gusto namin halaga.

~ yung muntikan ng mapaaway kami sa tricycle driver dahil binabarat namin yung pamasahe.

~ yung pag cha-chat namin nung nasa Dubai pa ako at kukulitin akong mag webcam.

~ yung napaiyak niya ako sa banat niyang umuwi na raw ako ng pinas , may pera man o wala ay tatanggapin pa rin niya ako.

~ yung kabaitan na pinakita ng Nanay niya sa akin.

~ yung mga birthday niyang cinecelebrate namin kahit dalawa lang kami.

~ yung pag-iyak niya sa akin sa tuwing may problema siya sa BF niya at wala naman akong masabing payo.

~ yung pagsama niya sa akin nung nasa ospital si Nanay.

~ yung walang kamatayan pasahan ng text dahil naka unlimited kami.

Maraming alaala ... hinding-hindi ko makakalimutan ... Si Ponyang ... Bodette ... Pauline na siguro ang "Matalik Kong Kaibigan."

Mahal na mahal ko yan .....





Wednesday, August 08, 2007

Kwentong Pasahero

Ang lakas ng ulan, halos dalawang araw ng hihinto-bubuhos ang ulan dito sa pinas. Ngayon ko nga lang nalaman na may bagyo pala. Di na kasi ako nakakanood ng tv. Puro nood na lang ng DVD (ang tagal pa ng season 2 ng Heroes at season 3 ng prison break).

Kwento ko lang yung usapan namin nung Taxi Driver kagabi.

Hindi kasi ako sumasakay ng puting taxi. Kundi MGE e R&E lang ang sinasakyan ko. Madalas tumatawag ako sa dispatcher nila at nagpapasundo sa bahay na mismo. Mas ok yun kasi nalalaman ng mga kasama ko sa bahay kung anong taxi ang sinakyan ko at naisusulat namin yung body number ng taxi, so anumang manyari madaling ma-track yung taxi. Bukod pa yun sa convenience na hindi mo na kailangan pumunta sa kanto at magintay sa gitna man ng init o lakas ng ulan.

Dahil nga may bagyo, may kahirapan ang pagtawag sa mga taxi companies. Dahil nga sa tamad ako nagtiyaga akong mag redial ng magredial hanggang sa makontak ko ang MGE. Sabi sa akin nung dispatcher 5-7mins daw e darating na yung susundong taxi sa akin.

10 minuto na ang nakalipas bago dumating yung taxi. Wala naman akong choice kasi ayoko maglakad pupuntang kanto dahil baha sa amin at tamad akong magdala ng payong.

Pagsakay ko eto ang usapan namin nung driver:

Driver: San po tayo boss?
Ako: Sa may pasay lang po. Daan po tayo ng P. Florentino ... Gov Forbes ... Nagtahan ... Quirino ... Roxas Blvd ... tapos pasay.
Driver: Di 'ho ba baha dun sa lugar na yun?
Ako: Bakit manong may lugar pa ba dito sa Maynila na hindi baha?

(tumahimik na lang yung driver ... ako naman natulog)




"My New Teamates"

Thursday, August 02, 2007

Yun oh!

Lots of things had happen na hindi ko man lang ng blog. Minsan nga pumasok na rin sa isip ko na siguro ihinto ko na rin ito. Pero hindi ko naman magawa. Iba pa rin talaga ang nadudulot ng pagsusulat ko dito. Nakakamiss ang pagblo-blog hop ko. Ang pagdagdag ko sa mga blogristang napapadaan dito.
Ni hindi ko man lang naikwento na bumiyahe ako kasama ng kapatid ko at ng barkada niya by VAN papuntang leyte. Pers time kong lumabas ng luzon. Yun na siguro ang pinakamalayong narating ko dito sa pinas. At walang halong pagsisis kasi lubos naman talaga namangha at nasiyahan ako sa paglalakbay kong iyon. Nagpapasalamat ako kay Ate sa pagsama niya sa akin.
Nalipat din ako ng departamento dito sa opisina. Halong lungkot at saya. Masaya dahil may tsansang tumaas ang sweldo ko kung makakapasa ako sa mga certifications. Malungkot dahil umalis na ako sa mga dating kong kasamahan na talaga naman napamahal na sa akin. Bagong pakikisama na naman. Aja!

Bumalik na rin ako sa bahay ng Nanay ko sa Laloma. Mahigit isang taon din naman akong tumira sa tiyahin ko sa Fairview. Yung nakuha kong bonus nung isang buwan kasama ng 5K pinadala ni Ate ang pinaayos ko ng bahay. Tagpi dito … tagpi doon. Yun muna siguro sa ngayon.

Malapit na ang kaarawan ko. Pupunta akong Disney HK at don ang ako magcecelebrate. Yun na lang ang pabawi ko sa sarili ko sa mga nangyari sa akin nung nakaraan taon.

Nakakatakot, ang bilis ng panahon. Eto malapit na ulit magsimula ang Ber months. Napagdesisyonan ko nang magtrabaho na lang sa araw ng pasko at bagong taon. Di tulad ng mga kasamahan ko na ngayon pa lang ay nagfi-file na ng leave sa mga araw na iyon. Maaring magbago pa ang isip ko kasi nagbabalak daw ang panganay namin na mapasko dito sa pinas.

Kamusta naman ako? Eto tumataba …. Nagaaral mag budget ng pera nang may mapambayad sa bills buwan-buwan at masustentuhan na rin pati luho ko. Balak kong huminto sa mga luho ko pagdating ko ng 24 yrs old ay 25 na lang. Hahaha …… yan ang kinakatakot ko kasi hanggang ngayon wala pa rin direksyon ang buhay ko. Masyadong inaasa ko na lang kay batman ang araw araw ko.


"My Leyte Trip"

Friday, June 01, 2007

Pinoy Ako!

Proud to be pinoy! Ika nga nila. Pero hindi talaga matahimik ang kalooban ko sa mga kapwa pinoy natin na di maiwasang maging pasaway.

Hindi ko alam kong ako lang ang nakakapansin. Pero sadyang may mga kapwa tayong mga kaugalian na talaga namang nakakainis o dili kaya naman ay nakakahiya.

Isa na namang kasabihan ng mga tiga kanto. "Samantalahin mo na habang libre."

PASAWAY # 1


Ewan ko lang kung may aagree sa akin. Pero di ko alam pero banas na banas ako dun sa mga tao ng ang dami kung kumuha ng "libre" na newspaper sa MRT.

Kumukuha rin naman ako nung newspaper na yun. Pero isa lang!


Palagi akong sumasakay ng MRT. Dahil sa maaga ang uwi ko, madalas abutan kong may libre pa sa mga istasyon. Pampalipas oras sa loob ng tren kumuha ako nang isa. Nagulat ako ng yung lalaking kasunod ko kumuha ng isang dangkal ng libre sabay silid sa bag niya.


Inisip ko aanhin kaya nung lalaki yung sandamakmak na dyaryo?

Tinanong ko yung kasabay ko sa MRT, sabi niya pinamimigay daw nung iba. Huh? Di ko gets. Basta ako naiinis ako. Dahil ba sa libre kaya ganun?

Di ba't pananamantala na ring matatawag yun?

PASAWAY # 2
Isa ko pang kinababanasan ....


Yung mga intern na nurse (di ko sa nilalahat) hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang dami sa kalye pakalat-kalat na nurse. I mean yung mga naka scrubs a? Di ba yung mga uniporme na iyon ay dapat sinusuot lamang sa loob ng ospital at kapag lumabas na sila ng ospital e dapat magpalit sila ng pang sibilyan?


Di ko alam pero naiirita ko sa kanila. Para pinaglalandakan nilang Nurse sila. Ok fine!!!!

Meron pa akong nakita minsan na Nars na nakusalat pa talaga sa scrubs niya na it should only be worn inside the hospital, pero nakita ko siya sa loob ng Mall.

Paliwanagan niyo nga ako ..... Grrrrr ..... Nakikialam na naman ako. Grrr ..

Siguro kaya ginagawa nilang pamorma ang scrubs kase tingnan niyo naman yung piktyur. Spongebob!! Aba bongga!!

Update sa aking summer escapades


Munting Buhangin (Nasugbu, Batangas)

Monday, May 14, 2007

Summer '07

Nag-uulan na dito sa Maynila. Pero bago pa maubos ang araw ng tag-araw. Sinulit ko na ang pagpunta sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.

"PANGASINAN"





"CLUB MANILA EAST (Taytay, Rizal)"




"MATABUNGKAY, BATANGAS"



"VALLE VERDE"


x's
I want to post my MP3's sa blog ko. Pero im still having a prob kung paano. Tinuruan na ako ni K pero till now di ko pa rin ma gets. Ayaw mag random play. Kailangan mag-aral ulit ng HTML. Subok ako ulit. Help here! Kailangan ko ng website na maghohost ng pictures ko na may magandang slideshow. Kasi full na yung free account ko sa flcker kaya di ko na ma post yung iba sa badge ko. Any help will be appreciated. :)

Thursday, April 26, 2007

Nagpapasalamat

Malungkot ang mga huling post ko. Ilang buwan na rin ang nakalilipas. Sa tuwing dumadalaw ako kay Nanay. Ngiti at hindi nakabusingot na mukha ang ipinapakita ko sa kanya.

Masaya na si Nanay. Sabi nga ng pinsan ko napakaswerte niya kasi tayo kailangan pa natin magdasal nang mataimtim maramdaman lang natin ang diyos. Samantalang si Nanay kasama na niya ang Ama. Magsisilbing anghel at tagabantay na naming magkakapatid si Nanay. Kaya mas nakakatakot gumawa ng katarantaduhan ngayon. Baka lagi siyang nakatingin.

Sa lahat ng bumisita sa blog ko. Maraming salamat sa pagdamay. Di niyo lang alam, pero ang sarap ng pakiramdam sa tuwing binabasa ko yung mga komento ninyo. Sa iyo na hindi nagpakilala. Tama ka! Kaya natin ito.

Babalik na ulit ako sa pagsusulat.....

Saturday, March 31, 2007

Yun na nga PT.3

"Mom?" I whispered.

I hadn't said it in so long. When death takes your mother, it steals that word forever.

"Mom?"

It just sound really a hum interrupted by open lips. But there are zillion words on this planet, and not one of them comes out of your mouth the way that one does.

"Mom?"

- lines from the book "For one more day" written by Mitch Albom

Bagong libro na binabasa ko. Maraming nag comment na ngangamusta kay nanay. Masayang-masaya ang nanay.

Tumagal pa kami ng mahigit isang linggo sa ospital.

Nagdesisyon na rin sila Ate na umuwi ng pinas, simula ng tumawag sila't nakausap nila si Nanay sa telepono at nagpapaalam na. Himala nga e, kasi hindi na nakapagsasalita si Nanay. Pero sa pagkakataong iyon napakalinaw ng pagsabi niya ng "PAALAM' kay ate.

Oct 8, birthday ni Ate ..... nagdesisyon ang mga kapatid ko na umuwi dahil sa tawag na iyon.

Di ko lam kong ano magiging reaksyon ko pagdating ng dalawa kong kapatid.

Pero believe din naman ako kay Nanay, bed-ridden man siya di pa rin niya nakakalimutan ngumiti sa tuwing may mga dumadalaw sa kanya. Si Nanay talaga ...... minsan pa nga nagkatawanan kami kasi hindi ako nakilala ni Nanay nang pumasok ako sa banyo. Tinanong niya si Ate Grace kung sino daw ako. Nang sabihin ni Ate Grace na ako yung anak niya, medyo kumunot ang noo ni Nanay. Tawanan kami ....

Dumating ang Oktubre 10, mga ilang araw nang ayaw matulog ni Nanay. Nang minsang tanungin ko siya kung bakit. Ang sabi niya sa aking ay natatakot siya baka di na siya magising. Binantayan ko siya nun buong gabi.

Isang araw pinipilit siya ni ate na matulog, ang sagot ni Nanay "Natulog na ako, sa may hagdan." Di na ulit kinulit ni ate si Nanay.

Madaling araw ng Oktubre 16. Ako pa rin ang bantay ng Nanay. Di ko makatulog. Ala-6 ng umaga. Nag nebulizer ako kay Nanay. Iba na ang buntong hininga niya nun. Nagising ang mga tiyuhin ko at kapatid. Napansin din iyon ng tiyuhin ko. Inutusan kami ni Ate na bumili ng agahan. Iba na raw kasi ang hinga ng Nanay.

Pagbalik namin ni Ate sa kwarto, dala ang mga pinamili namin mula sa Jollibee. Di pa rin tulog ang Nanay.

Sinabihan ako nila Ate na matulog na. Mag-aalas siete na kasi ng umaga yun. Di ko makatulog. Iba na ang pakiramdam ko.

Nang bigla na lang ako ng nagulat nang ginigising na ako ni Ate. Pag tingin ko sa orasan ng ospital ala-dose na pala ng tanghali. Ang bungad ni Ate "Wind, tingnan mo si Nanay." Nakita ko yung isa kong kapatid, hawak ang isang bunto ng tissue paper, pinupunasan yung bigbig ni Nanay. "Nakadalawang rolyo na kami ng tissue paper" sabi ni Ate. Pagtigin ko kay Nanay. Malalim na ang kanyang mga mata.

Nagkagulo na kaming lahat .........

Wednesday, February 28, 2007

Yun na nga (2)

Homesick, nakaka isang linggo palang ako sa Pinas, homesick na ako agad. Nakakatawa ngang isipin, mas na homesick pa ako sa sarili kong bansa.

Nagkita kami ni Nanay, nakahiga na lang siya. May nag-aalaga na sa kanya, kasi hindi na siya nakakatayo pa ng matagal. Sa tabi niya may isang bote na kumokonekta sa oxygen na nasa baba ng bahay. Masakit tingnan ang sitwasyon ni Nanay. Pero kailangan sumalubong ako ng ngiti. Kailangan magbalik ang dating "Airwind" na anak na kakilala niya. Masiyahin, makulit at laging binibiro siya. Ngunit sa likod nun, hinang-hina ako sa nakikita ko. Di ko lam kung hanggang kelan ko kayang pakiharapan ang sitwasyon na nasa harapan ko. Para hindi na siya ang Nanay kong iniwan noon. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Sana'y di ko na lang siya iniwan. Siguro hindi hahantong sa ganito.

Sabi ng mga tiyahin ko, depresyon daw ang tumira sa Nanay ko. Sobrang pagkalungkot dahil nga naman tatlo na nga lang kaming anak niya. Wala pa sa tabi niya.

Pero ang nakakatuwa kay Nanay, hindi mo nakitang sinisisi ka niya. Sa tuwing darating ako ng bahay galing sa labas. Sinusubukan pa rin niyang maging ina sa akin. Kinakamusta .... tinatanong kung kumain na ako.

Ilang araw din akong sumubok na isantabi ang kalagayan niya at isiping normal na tulad ng dati ang buhay namin.

Aug 17, Bday ni nanay ..... 61 yrs old na siya. Nakakatuwa nga kasi, yung mga kaibigan ko pumunta. Gusto kasi ni Nanay na lagi siyang may kasama. Natatakot daw siyang mag-isa.

Di ako tumatabing matulog kay Nanay, di ko alam pero natatakot ako. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Ginising ako ng kasama namin isang araw, sabi niya hirap daw makahinga si Nanay. Kinabahan na ako, pinakiusapan ko yung Tito ko na dalhin si Nanay sa ospital. Takot na takot ako nun, tinawagan ko si Pau, wala na akong masabi sa kanya kundi ang magsumbong. Pinipigilan ko ang maiyak. Natatakot ako sa ideyang pedeng mangyari na naglalaro sa isip ko.

Ang hirap pala sa ospital. Mahigit ilang oras din bago kami makakuha ng kwarto. Na-admit si Nanay, kailangan niya raw i-supervise para ma check kong ano sanhi ng hirap niyang paghinga.

Unang gabi sa ospital, kasama ko si Ate Grace, yung nagbabantay kay Nanay. Di ko makatulog. Ipilit ko man di ko maiwasan pag masdan si Nanay. Nanghihina ako. Di maiwasang sisihin ko ang sarili ko na isa ako sa dahilan ng panghihina niya.

12am --- ng seizure si Nanay. Di ko lam ang gagawin ko. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko at ni Ate Grace. Nakatulala lang siya. Nataranta na kaming dalawa. Tumawag ako ng nurse.

5am --- di pa rin ako natutulog, sabi nung nurse mild seizure lang daw yun. Kinausap ako nung doktor. Na kaya daw nanyari iyon e dahil sa may nakabara na raw sa baga ni Nanay. Ihanda ko raw ang sarili ko.

Ilang araw din kami nalagi sa ospital, isa ... dalawang linggo. Pakiramdam ko nga residente na ako dun. Kilala ko na ang mga nurse, ang shift nila ang kung ano dapat gawin check up kay Nanay kada oras.

Dumating ang Oktubre, pinagdedesisyon na kami ng doktor na kung gusto namin pumirma ng DNR form. Sabi ko hindi ako makakapagdesisyon mag-isa.

Wednesday, February 21, 2007

Yun na nga

Bakit nga ba natagalan akong di na blog? Sino nga ba ang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ko. Kala ko pa naman na ang blog na ito ay nagsisilbing diaryo ko.

Madaming nanyari, laki nang naitulong nang nakaraang taon sa akin. Di lamang binigyan ako ng opurtuninidad na makapunta ng ibang bansa. Bukod pa dun tinuruan niya akong malaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay.

Simula ng taon ay pinaghalo-halong saya, lungkot, takot, pangamba, pagkabalisa at pagkasabik na matuto sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay.

Kalagitnaan ng taon, napuno ng takot at pangamba ang buhay ko. Naospital ang pinakaimportante tao sa buhay ko. Si Nanay .... tandang-tanda ko pa yung araw na iyon. Nasa trabaho ako ng tumawag ang ate kung humahagulgol sa telepono. Sabi niya nasa ospital nga daw si Nanay. Yung lang ang narinig ko. Di na ko nakapagtrabaho nun. Iyak na ako ng iyak, napansin na rin ng boss ko kaya't pinayagan na nila akong umuwi.

Umuwi sila ate sa pilipinas, pag minalas ka nga naman, hindi ako pinayagan umuwi ng amo ko. Kung di raw ako magiiwan ng 5000 dirhamos di nila ako papayagang umuwi. Napamura ako!!!
Wala akong nagawa kundi ang tumawag na lamang sa kapatid ko upang humingi ng update sa ospital.

Makalipas ang ilang linggo, ok na raw si nanay. Lalabas na raw ng ospital, pero hindi na raw pedeng tanggalin ang oxygen sa kanya kasi hirap na talaga siya sa paghinga. Tinatanong ako nila kung gusto ko pa raw umuwi. Sabi ko, hindi ko alam. Natatakot akong makita si Nanay.

Nagkagulo sa opisina .... nadyaryo pa nga ... eto ...

Dahil dun pinayagan kaming mga pilipino na umuwi. Isa ako sa mga taong nagdesisyon na umuwi na lang ng pilipinas. Hunyo bumalik na sina ate sa dubai. Baon ang mga litrato ni Nanay na hirap ko talagang tingnan.

Hulyo yun nagdesisyon akong magresign na lang sa trabaho .... binigyan ako ng isang buwan para makapagisip kung gusto ko magstay sa Dubai o umuwi sa akin Nanay.
Sinubukan ko pa rin magaaply ng bagong trabaho doon. Pero lumapit ang araw ng Augusto, natuloy ang paguwi ko.

Monday, February 05, 2007

Kamusta Ka Naman?

Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!

Pero di ko magawa !!!!!!

Huwahhhhhhh

Tuesday, December 12, 2006

Cha - Cha (sia-sia) papasok na ko

"Cha-Cha at Gloria"
"Ibasura"
- aktibista sa Batasang Pambansa

Yan ang sigaw na tumambad sa akin pagbaba ko ng tricycle kanina. Sabi sa akin nung tricycle driver na kung nagmamadali daw ako ay mas mabuting maglakad na lang daw ako papuntang commonwealth avenue. Kailangan makarating ako sa opisina bago 7:30pm. Ayokong ma-late. Kaya naman sinunod ko na rin ang payo nung mama. Mahigit 2KM rin ang nilakad ko.

Bilang libangan pinakinggan ko ang mga sinisigaw nang mga raliyista. Aba! Mga kabataan pala ang nangunguna sa listahan. Boses ng isang kabataan babae ang nagsasalita sa entablado. Gusto daw nilang patalsikin si Gloria at tutol sila sa pagpapalit ng konstitusyon.

Ayon sa maiksi kong oras na pakikinig. Ang sabi nung babae na parang mabago man daw ang konstitusyon ay hindi rin naman pakikinggan ang boses ng kabataan. Kaya't mas mabuti pa raw na sa kalye na lang nila idaing ang sama ng loob nila. Ang nararadapat daw e, baguhin ang sistema sa loob ng gobyerno o dili kaya ay patalsikin ang mga di nararapat.

Aba'y ang tapang naman ata ng "ATE' ko.

Nagkalat ang media ... nakita ko ang ABS-CBN, ABC 5, pati na rin ang GMA7 na nagseset-up ng ilaw sa isang tabi. Habang ang ibang pulis ay kumakain habang nanood ng "Jewel in the palace" (isang koreanovela) sa isang tindahan.

Ang daming tao, pero kung susumahin mas maraming pa atang isyoso keysa sa mga tunay na nakikisalo sa pestibidad. Isa na ako dun sa isyoso.

Gusto ko pa sanang mag-stay kaya lang may pasok pa ako. Tinuloy ko ang pag-lakad papuntang commonwealth avenue ... tumawid ng overpass at sumakay ng FX ....

Monday, December 11, 2006

Sa Wakas


Napa-aga ang pasko para sa mga pinoy .... binawasan ng 50 sentimos ang pamasahe. Mababa man kung maituturing, pede na rin kesa sa wala. Lalo na sa tulad ko na laging nagkokomyut.




Kanina nga lang napansin ko may mga ibang driver na dedma lang kapag yung pasahero ay nagbabayad pa rin ng 7.50, ni hindi man lang nila ibinabalik yung 50 sentimos at sabihing bumaba na ang pamasahe. tsk tsk tsk pinoy nga naman hanggat makakalusot, lulusot.


Hiniintay ko ang pagbaba nang bills ma pa kuryete, ilaw, telepono at pati na rin cable.


Pagdadarasal ko yan ...


Friday, November 24, 2006

Pricked me i might be Dreaming




"I'm a loner. I gets hard for me to face the world sometimes. Its hard to be alone, but its harder to be surrounded by people and still be utterly alone; so I choose to stay alone for the most part."- Wolfknight







I used to have loads of friends, i even had one post here stating na hindi ako nahihirapang makahanap ng kaibigan. But timed change .... i have changed.

I may call it maturity, or just a phased of my so called life. Pero ewan ko, just like now i am still on training and having some of my close friends before as my co-trainee right now makes me think that i dont really need to befriend with others pa.

I dont know pero i find it very plastik kung pipilitin kong makilala pa sila pero sa loob-loob ko hindi ko naman talaga gusto.

I am becoming an unsocial person (kung meron man nun) or i am just being picky in terms of having friends now.

Wednesday, November 22, 2006

Yoko nga!

Di ko alam pero hindi ako maihi sa urinal ng lalaki, sa tuwing umiihi ako sa loob pa ng cubicle. Arte ko noh .... ewan ko ba may pag-ka OC ako. Kahit anong sakit na ng pantog ko, hindi mo talaga ako mapapaihi sa urinal. Yung bang ayaw lumabas nung ihi ko kahit na anong pilit.
Nagkasubukan nga nung nagpa-drug test ako para sa trabaho. Binigyan ako ng isang botelya na kailangan ko raw punuin ng ihi. E di pa naman ako naiihi nung mga oras na iyon. Sabi sa akin nung mama uminom daw ako ng limang baso ng tubig. Na ginawa ko naman. Pero wa epek pa rin. Sabi niya subukan ko naman daw na basain yung kamay ko hanggang braso. Syempre wala paring epekto sa akin. Umabot siguro ng 3 oras, walang humpay na palalakad-lakad, inom ng tubig at sabay basa na rin ng braso ko tsaka ako naihi.
Pucha! Dumating na ang kinakatakutan ko, pinapaihi ako sa urinal at kailangan daw kasi doon para nasusupervise ako nung mama.
Nakailang balik kami sa banyo di pa rin ako maihi, kahit na isang patak wala talaga. Ginamitan na nga ako nung taktika ng matatanda, yun bang sasabihan ka ng "wis wis wis wis" habang nakalabas yung putotoy ko. Pero lalo atang nahiya ... hindi lang putotoy ko yung nahiya pati na rin ako. Badtrip talaga. Pinilit ko yung mama na payagan na lang akong umihi sa loob ng cubicle. Sabi niya hindi raw pede, dahil kailangan naka-supervise siya habang umiihi ako. Tinanong ko yung mama, kung ako lang ba ang kaunaunahang pasyente nila na hirap umihi. Sabi niya hindi raw (medyo gumaan ang pakiramdam ko) pero yun daw yung mga taong madalas na bumabagsak o yun yung mga nag-drodroga. Nak ng pucha naman ako drugs!! HALER!!! Umabot pa ang isang oras na nakatambay sa loob ng banyo dahil hindi pa rin nga ako maihi. Sa inis siguro nung mama sabi gagawin na lang daw niya yung procedure na ginagawa nila sa babae yun bang lagyan nang blue ink you toilet bowl, para makaihi ako sa loob ng cubicle. Gusto ko sanang sabihin na "yun naman pala e" pero di ko na lang ginawa baka lalo lang akong mapagkamalang adik. Pagkatapos lagyan nung mama ng blue ink yung bowl, diretso pasok ako sa loob kasi masakit na rin yung pantog ko. Wala pang isang segundo umapaw na yung botelyang binigay niya sa akin.

Hay ...... yun na siguro ang pinaka mahirap na nangyari sa akin ....... Huwahh!!!!

Blogroll

Labels

Counter